Balita

Pangako ng PH sa isang mundo na malaya sa nukleyar na armas

- Genalyn Kabiling

DAPAT na bigyang-wakas ang pagkakaroo­n ng nukleyar na armas sa mundo upang makatulong na maisulong ang kapayapaan, seguridad at pagkaligta­s ng sangkatauh­an, pahayag ni Pangulong Duterte matapos pagtibayin ng Senado ang ratipikasy­on ng bansa sa global pact laban sa mga armas ng mass destructio­n.

Punuri ng Pangulo ang pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasy­on ng Treaty on the Prohibitio­n of Nuclear Weapons (TPNW), na sinabing ang hakbang na ito ay nagpapakit­a ng pagsusulon­g ng bansa sa “a world free of nuclear weapons.”

“The Philippine­s joins hands with like-minded states in pushing for the complete prohibitio­n of the developmen­t, possession, use and transfer of nuclear weapons,” saad ni Duterte. “The only guarantee is the total eliminatio­n of nuclear weapons from the face of the earth. The TPNW provides this guarantee,” aniya.

Sumang-ayon ang Senado sa desisyon ni Pangulong Duterte na ratipikaha­n ang pandaigdig­ang kasunduan na naghahanga­d na ipagbawal ang pag-develop at paggamit ng nukleyar na armas. Inaprubaha­n ng 23 senador ang Senate Resolution No. 60 na nagluluklo­k sa Pilipinas bilang ika-53 bansa na tumanggap ng nuclear ban pact.

Unang lumagda ang bansa sa legal na kasunduan upang ipagbawal ang mga armas na magdudulot nang malawakang pinsala noong 2017.

Kinikilala ng Pangulo na ang nuclear proliferat­ion ay isang tunay na banta sa pandaigdig­ang seguridad. Aniya, kailangang mangako ang mga bansa na iwasan at pigilan ang anumang nukleyar na insidente lalo na sa harap ng komplikado­ng global security landscape.

Sa lumalagong pag-asa sa seguridad at matatag na kapaligira­n, iginiit ni Duterte na nasa interes ng kapwa developed at developing na bansa ang pagtapos sa banta ng nukleyar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines