Balita

Bagong salot sa kalikasan

- Dave M. Veridiano, E.E.

ANG face mask at face shield, dalawang pangunahin­g gamit upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19, ay mistulang bayani natin sa panahong ito ng pandemiya, ngunit sa ‘di wastong paggamit nito, maaaring maging bagong salot ang mga ito sa kalikasan kapalit ng mapaminsal­ang mga basurang gawa sa plastic.

Ikinababah­ala ito ng mga awtoridad sa buong mundo dahil sa bilis nang paggamit at ‘di wastong pagtapon ng mga disposable face mask at face shield, siguradong malalagpas­an nito ang pinsalang dala ng mga plastic sa kapaligira­n, lalo na sa may baybay dagat na pinaghuhul­ihan ng mga inuulam nating isda.

‘Wag na tayong lumayo, dito lamang sa ating bansa, kung maglalakad ka sa mga iskinita at pangunahin­g lansangan, imposiblen­g ‘di mo mapansin ang nagkalat na face mask at face shield. Tinatalo na nang basurang ito ang mga nagkalat na plastic bottles at plastic na supot sa kalsada, na pangunahin­g dahilan nang pagbabara ng mga kanal at estero, lalo na rito sa Metro Manila.

Sabi nga ng ilang kaibigan kong diver: “Hindi magtatagal sa ating mga ilog at dagat baka mas maging marami pa ang basurang face mask at face shield kesa sa mga isda rito!”

Kamakailan lang sa Sta Mesa ay biglang bumaha sa saglit na pag-ulan at ang nakitang sanhi – ano pa nga ba, eh di sandamukal na basurang gawa lahat sa plastic, siyempre kasama na rito ang mga itinapong face mask at face shield!

May batas na tayo para sa pagbabawal ng paggamit ng plastic, pero gaya ng ibang mga batas natin, ginawa ang mga ito para rin lang labagin ng mga tao at pagkakitaa­n naman ng ilang nasa puwesto.

At ngayon heto na naman ang unti-unting lumalaking problema – mga nagkalat na face mask at face shield sa mga kalsada. Hindi ko lubos maisip kung bakit kasi habang sa ibang bansa ay itinutulak ang paggamit ng mga reusable face mask at face shield, dito sa atin disposable ang inirerekom­enda.

Ang dating gintong presyo at mahirap hanapin na face mask biglang naging mamera ang presyo. Sa kalagitnaa­n ng pandemiya, nasundan pa ito ng utos na dapat mag face shield na rin. At ito ang napansin ko. Sa araw na ipinatupad ang bagong utos, ang dami agad nagbebenta nito sa bangketa -- at lahat halos galing China! Talas ng foresight ng mga importer nito ‘di ba? At dahil nga sobrang mura na ngayon, kampanteng bumili at gumamit ng disposable na face mask at face shield ang mga tao – yun lang, marami sa kanila, salaula sa paggamit kaya mistulang palamuti ito sa ating kapaligira­n. Kahit pa nga may mga special na basurahan para rito, gaya nang ipinamigay ni Mayor Isko Moreno sa Maynila, konti pa rin ang marunong sumunod!

Dapat pag-aralan at maglabas ng pamantayan ang pamahalaan sa paggawa at pagsi-disenyo ng mga reusable face mask at face shield, upang ito na lamang ang gamitin ng ating mga kababayan. Dagdag kita at harimunan pa ito ng ating mga kababayan na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemiya.

Payo sa online article ng Mayo Clinic, isang “U.S. nonprofit organizati­on committed to clinical practice, education and research”: “Cloth face coverings are most likely to reduce the spread of the COVID19 virus when they are widely used by people in public settings. And countries that required face masks, testing, isolation and social distancing early in the pandemic have successful­ly slowed the spread of the virus.”

Yung namang sinasabing mga special mask na gaya ng N-95, gamitin na lang ito ng mga frontliner­s at mga nasa ospital, dahil sila ang may alam ng tamang pamamaraan ng pagtatapon sa mga basurang kung tawagin ay “special waste” para hindi na ito maging banta sa kalikasan.

Pero dapat pa ring pakatandaa­n na ang paggamit ng face mask at face shield ay hindi 100 percent na garantiya ng kaligtasan. Kailangan pa rin ang “physical and social distancing” upang ganap na maiwasang mahawa at makahawa ng COVID-19.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines