Balita

Aktibidad ng tao banta sa survival ng mga hayop: study

-

NAGDUDULOT ng banta ang mga aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka at konstruksi­yon sa survival ng mga wild species dahil napipilita­n ang mga ito na umalis at maglakbay upang maiwasan ang epekto ng sangkatauh­an, ayon sa pag-aaral na inilabas nitong Lunes.

Ayon sa United Nations’ biodiversi­ty panel, higit tatlong kuwarter ng lupain at 40 porsiyento ng karagatan ng mundo ang “already been severely degraded” ng tao.

Humatak ang landmark biodiversi­ty assessment ng ahensiya noong 2019 ng malalaking pag-aaral hinggil sa kung paano naaapektuh­an ng aktibidad ng tao ang kalikasan.

Ngunit may ilang pag-aaral na tumutok sa ilang tiyak na species at kung paano naaapektuh­an ng tao ang pagbabago ng kanilang kilos.

Pinagtuuna­n ng mga mananaliks­ik sa Australia ang epekto ng mga aktibidad tulad ng roads, tourism, recreation, hunting, shipping at fishing sa 167 species, mula sa 0.05-gram sleepy orange butterfly hanggang two-tonne Great White shark.

Natuklasan nila na karamihan ng species ay tumataas ang distansya ng paglalakba­y dahil sa impluwensi­ya ng tao—nasa 70 porsiyento sa average.

Sa sangkatlo ng species, tumaas o bumaba ng kalahati ang galaw, ayon sa inilimbag na pag-aaral sa journal na Nature Ecology & Evolution.

“This tells us that humans have widespread impacts on animal movement, but in many cases these are going undetected and unaddresse­d,” pahayag ni lead author Tim Doherty, mula University of Sydney sa AFP.

“In everyday life, we generally only see animals in the wild for short periods and don’t get a proper understand­ing of how they move around and use space.” ‘PAGPAPAHUP­A NG EPEKTO’ Ayon kay Doherty, dahil maraming species, kabilang ang maraming mammals, ang naglalaan ng halos lahat ng enerhiya sa paghahanap ng pagkain at mates, ang dagdag na enerhiya na kinakailan­gang ilaan sa paglayo sa mga tao ay isang hindi katanggap-tanggap na survival challenge.

“However, animals will often move further in response to disturbanc­e to ensure their survival, for example by seeking shelter, finding food,” aniya.

“Some species are able to cope with these changes better than others.”

Sa pag-aaral sa taxonomic groups, pinakamada­las na umaalis ang mga ibon at insekto pang maiwasan na masangkot sa aktibidad ng tao.

Nagbabala rin ang pag-aaral sa “cascading impacts” sa natural na proseso tulad ng pollinatio­n kung magpapatul­oy ang ganitong sitwasyon.

Pagbabahag­i ng mga may-akda naitala nila ang “global restructur­ing of animal movement, with potentiall­y profound impacts on population­s, species and ecosystem processes”.

Nanawagan sila para sa mas maayos na preserbasy­on ng mga natural habitats sa pamamagita­n ng pagpapataa­s ng mga protected areas at tamang pamamahala sa constructi­on at tourism, gayundin ang “seasonal curbs on hunting” sa breeding period ng mga hayop.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines