Balita

Krusyal 3-pointer ni Booker, nagamit ng Suns sa Mavericks

-

DALLAS (AP) — Naisalpak ni Devin Booker --naglaro sa unang pagkakatao­n matapos ipahinga sa injury – ang three-pointer may 1.5 segundo ang nalalabi para sikatan ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, 109-108, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Tumapos si Booker na may 24 puntos, tampok ang 20 sa second half para pangunahan ang paghahabol ng Suns tungo sa panalo. Nasa ika-12 puwesto si Booker sa playing minutes na may 35.7 minuto bago na-sidelined ng magtamo ng hamstring strain nitong Enero 22.

Naghabol ang Suns sa 11 puntos sa third quarter at nagpakatat­ag sa final period para maitala ang ikatlong sunod na panalo, kabilang ang 111-105 decision laban sa Dallas nitong Sabado.

ROCKETS 136, THUNDER 106

Sa Oklahoma City, naitala ng Houston Rockets ang NBA record-tying 11 three-pointer sa impresibon­g panalo lanam sa Thunder.

Kumana si Eric Gordon ng 25 puntos, habang tumipa si John Wall ng 18 puntos at tumipa si Christian Wood ng 18 puntos at 11 rebounds.

LAKERS 107, HAWKS 99

Sa Atlanta, ratsada si Anthony Davis sa naiskor na 25 puntos para sandigan ang Los Angeles Lakers laban sa Atlanta Hawks.

Nadomina ng Lakers ang tempo ng laro sa matikas na 16-0 run sa third quarter. Nag-ambag si LeBron James ng 21 puntos.

Nanguna si Trey Young sa Hawks na may 25 puntos at 16 assists.

HORNETS 129, HEAT 121

Sa Miami, naitala ni Malik Monk ang best scoring game sa career sa naiskor na 36 puntos, tampok ang siyam na 3-pointer para akayin ang Charlotte Hornets laban sa Heat.

Nag-ambag si Devonte’ Graham ng 24 puntos sa Hornets.

Sa iba pang laro, pinasuko ng Cleveland Cavaliers, sa pangunguna ni Collin Sexton na may 26 puntos at Jarrett Allen na may 23 puntos at 18 rebounds, ang Minnesota Timberwolv­es, 100-98.

 ?? AP PHOTO ?? NAPAGITNAA­N ng depensa nina Dallas Mavericks forward Kristaps Porzingis (kaliwa) at guard Luka Doncic si Phoenix Suns guard Chris Paul sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Lunes. Nakalusot ang Suns.
AP PHOTO NAPAGITNAA­N ng depensa nina Dallas Mavericks forward Kristaps Porzingis (kaliwa) at guard Luka Doncic si Phoenix Suns guard Chris Paul sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Lunes. Nakalusot ang Suns.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines