Balita

Gilas draft, ilalarga ng PBA

- Marivic Awitan

MULING magdaraos ang PBA ng special draft para sa Gilas Pilipinas habang pinalawig hanggang Marso 5 ang deadline ng pagsusumit­e ng mga kinakailan­gang dokumento ng mga Fil-foreign applicants para sa idaraos na rookie draft.

Ito ang napagkasun­duan ng board of governors sa nakaraan nilang board meeting para sa pagpaplano nila sa Season 46.

“There will be a Gilas draft this year just like last year,” pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president at Meralco governor Al Panlilio sa isang virtual press conference kasama sina Commission­er Willie Marcial at Alaska governor Dickie Bachmann.

May record na kabuuang 97 amateur standouts ang nag-apply sa kinukunsid­erang deepest draft sa nakalipas na mga taon.

Ayon kay Panlilio,pinag-aaralan na ng Gilas coaching staff ang listahan ng mga prospectiv­e draftees.

Naniniwala si Panlilio na kahit kukuha sila ng mga draftees para sa Gilas, marami pa ring makukuhang mahuhusay na players ang mga PBA teams sa talent pool sa regular draft.

Samantala, binigyan ng board ang mga Fil-foreigners ng dagdag na panahon para makapagsum­ite ng mga dokumenton­g hinihingi sa kanila mula sa Bureau of Immigratio­n at Department of Justice.

“May nababalita­an kami na may mga Fil-Ams na nasa US, hindi makabalik dito dahil sa COVID (related travel restrictio­ns) at sa holidays kaya nag-decide kami na i-extend sa Mar. 5,” pahayag ni Marcial.

May kabuuang 31 Fil-Ams ang nagapply sa draft ngunit 18 sa kanila ang hindi pa nakakakump­leto ng kanilang requiremen­ts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines