Balita

Factory workers, estudyante at PUV drivers, isasalang sa saliva testing

- Mary Ann Santiago

Target ng Philippine Red Cross (PRC) na isunod na ang pagsagawa ng saliva COVID-19 testing para sa factory workers, estudyante at drivers ng public utility vehicles (PUVs) upang makabalik na sila sa trabaho at paaralan.

Ito ang inihayag kahapon ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon, kasunod ng pagbubukas na ng kanilang saliva collection sites sa ilang Metro Manila malls kamakalawa. Ayon kay Gordon, pinasisimu­lan na niya ang proyekto sa mga pabrika at pumayag na rin dito si Trade Secretary Ramon Lopez.

Tinawagan na rin ni Gordon si Transport Secretary Arthur Tugade at pumayag din ito na maisalang na ang mga tsuper ng mga bus at jeepney sa pagsusuri para makabalik sa hanapbuhay ang mga ito.

Gayundin ang mga estudyante upang maaari na rin silang makabalik sa paaralan.

“Ang pinapaumpi­sahan ko yung mga pabrika—at pumayag rin naman si Secretary Lopez—yung mga pabrika. Mas mabilis yan e. Saka pati si Secretary Tugade, tinawagan ko rin, payag din sila sa mga buses sa mga jeepney, at saka sa mga estudyante para makapasok na yung mga bata,” sinabi ni Gordon, sa panayam sa Teleradyo.

“Ang pakay natin dito makapasok ang mga tao, maghanapbu­hay,” aniya pa.

Binuksan ng PRC ang drive-thru saliva collection sites sa parking lot ng ilang malls kamakalawa. Lumagda ang PRC ng memorandum of agreement (MOA) sa SM Supermalls (SCMC) para maisagawa ito.

Ang unang dalawang collection sites ay matatagpua­n sa SM Megamall, Mega A bus bay sa EDSA, Mandaluyon­g, at sa 5 E-com Open Parking sa Mall of Asia, Pasay City.

Nilinaw ng PRC na ang mga naturang lugar ay magsisilbi lamang na specimen collection sites para sa saliva testing.

Ang makokolekt­ang samples dito ay dadalhin sa mga laboratory­o ng PRC upang isailalim sa pagsusuri.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines