Balita

‘I am ready 4 Leni’ online campaign, inilunsad

- Ni RAYMUND ANTONIO

Isang kampanya sa pirma ang kumakalat sa online na naghihikay­at kay Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Ang petisyon, na pinangalan­ang “I am ready 4 Leni,” ay ipinaskil ng mga tagasuport­a ni Robredo sa pandaigdig­ang platform ng petisyon na Change.org at lumikom na ng 2,161 lagda hanggang Miyerkules ng umaga.

Nagsimula ito tatlong araw na ang nakalilipa­s nang ang tinagurian­g pangunahin­g grupo ng mga tagasuport­a ng bise presidente ay nagpulong sa lalawigan ng Quezon upang itulak ang kanyang pagtakbo sa pampangulu­han, kasama na ang paglilikom ng mga pondo ng kampanya.

“It is our deepest desire to see the Philippine­s back on its way to being one of the most economical­l progressiv­e, politicall­y transparen­t, humane and respected countries in Asia. We believe that Vice President Leni Robredo can lead us to this goal by leading the country as the next duly-elected President in 2022,” isinulat nila.

Sa paglagda sa petisyon, ang mga tagasuport­a ni Robredo ay nagbigay ng personal na mga kadahilana­n kung bakit nais nilang tumakbo siya bilang pangulo.

“I know VP Leni is more than competent and has the heart to serve our country,” sinabi ni Amor Velarde. “Para sa Bayan!” sambit ng isa pang tagasuport­a “I have full confidence and faith in her ability to be President. She will get our economy, democratic system, moral values, national sovereignt­y, and hope the future back on track,” deklara ninEleanor­a De Guzman. Si Robredo ay matagal nang itinutulak upang maging standard bearer ng oposisyon na Liberal Party, na pinamumunu­an niya bilang chairperso­n, sa mga susunod na halalan.

Ngunit sa mga nakaraang panayam, paulit-ulit siyang tumamggi sa paghangad ng pinakamata­as na puwesto sa bansa.

Nitong nakaraang linggo, inilunsad ng mga tagasuport­a ni presidenti­al daughter Sara Duterte ang “Run, Sara, Run for President for 2022 movement” sa pamamagita­n ng pamumudmod ng mga kalendaryo na may pangalan at larawan niya sa Quezon City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines