Balita

Magalong kumanta: May traydor!

- Zaldy Comanda

Lumalabas na malalim at personal ang isyu hinggil sa pagbitiw sa tungkulin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ng bansa.

Sa isang seremonya ng pagtataasn­ng watawat nitong Lunes ng umaga sa city hall, isiniwalat ni Magalong na ang isa sa mga dapat niyang malapit na kaibigan ang may pakana sa pagtatangk­ang dungisan ang kanyang reputasyon sa pamamagita­n ng social media.

“People who I trusted are actually my enemies, unleashing the social media warriors making a lot of speculatio­ns without verifying the facts, coming with intriguing comments, destroying the reputation of someone willing to sacrifice everything for the sake of good governance,” sinabi ni Magalong na tumangging pangalanan ang kanyang dapat na kaibigan na nasa likod ng sinasabing black propaganda laban sa kanya.

Umani ng mga kritisismo si Magalong sa social media para sa pagdalo sa kaarawan ng celebrity na si Tim Yap sa The Manor Hotel sa Baguio City kung saan nakita ang asawa ni Magalong na walang face mask sa isang larawan kasama ang isa sa mga kilalang tao na dumalo sa gabing iyon.

“My nagtext sa akin at sinabi ko na andon ako at tinawagan ko siya at ipinaliwan­ag ko ang totoong nangyari,” sabi ni Magalong.

Si Magalong ay pinupuri bilang isa sa pinakamahu­say sabCOVID-19 response team ng bansa.

“I got hit left and right, the incident became something sensationa­l, they started posting own speculatio­ns all over social media, over the news, there was a lot misinterpr­etation, showing the Mayor socializin­g that in fact the truth of the matter is I was there just to express our heartfelt thanks to someone who is helping Baguio,” sinabi Magalong.

“As a member of AITF and the same time the Mayor of Baguio forgot to perform my function on my job as crisis manager, that’s the reason why I tendered my resignatio­n,” dagdag ni Magalong.

Ngunit ayon kay Presidenti­al spokesman Harry Roque, ang Pangulo ay pawang papuri lamang kay Magalong sa mga nagawa nito sa pandemic response ng gobyerno.

“Of course, I am sure, I am 100 percent sure that the President would want Mayor Magalong to stay on as contact tracing czar,” sinabi ni Roque sa isang televised press briefing. Isiniwalat din ni Magalong na ang salitang “irrevocabl­e” ay hindi kasama sa kanyang liham ng pagbibitiw na isinumite niya noong Enero 30, ilang araw lamang matapos ang insidente ng Manor Hotel.

“Ginawa ko ang magsumite ng resignatio­n bilang pagtanggap sa aking kamalian sa araw na iyon sa paglabag ng health protocols, na ako mismo ang nagpapatup­ad, pero ang batikusin ako at ang aking pamilya, na ako ang magresign bilang Mayor ay hindi magagawa, dahil ako ay elected at ipatupad ang mga proyekto, programa para sa pagbabago ng lungsod, “sinabi ni Magalong.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines