Balita

DREDGING SHIP SA BATAAN ITINANGGI NG CHINA

Nag-alok ng tulong sa imbestigas­yon

- Ni ROY C. MABASA

Itinanggi ng Chinese Embassy sa Manila nitong Miyerkules ang mga ulat na ang dredging ship na MV Zhonhai 68 na kamakailan lamang ay sinamsam ng mga awtoridad ng Pilipinas sa karagatan ng Bataan ay isang pag-aari o rehistrado­ng barko ng China.

“Initial investigat­ion on the identity of MV Zhonhai 68 by relevant Chinese authoritie­s has shown that the ship is not registered in China and not a Chinese ship,” sinabi ng Chinese Embassy sa isang pahayag na ipinaskil sa kanyang website.

Sa pagsipi ng impormasyo­n mula sa Internatio­nal Maritime Organizati­on (IMO), sinabi ng Chinese Embassy na ang barko na may numero ng IMO na 8692665, ay “under the flag of Sierra Leone.”

Sinabi pa nito na walang Chinese national na nakasakay sa dredging ship nang hulihin ng mga awtoridad ang sasakyang-dagat noong nakaraang buwan.

Sinabi din ng Embahada na ang mga ulat na nag-uugnay sa nasamsam na dredging vessel sa China ay isang “media speculatio­n” lamang. Tiniyak nito sa mga awtoridad ng Pilipinas ang kahandaang magbigay ng tulong sa pagsisiyas­at “should there (be) such a need.”

Bago ito mahuli noong nakaraang buwan, nakita ang MV Zhonhai 68 ng pinagsanib na Philippine Coast Guard at Bureau of Customs maritime patrol may 15 kilometro mula sa Orion Point sa lalawigan ng Bataan.

Pagkasakay sa sasakyang-dagat, sinabi ng PCG na natuklasan nila na ang automatic identifica­tion system transponde­r ng barko ay nakapatay at ang dalawang Cambodian crew members na sakay ay nabigo na magpakita ng wastong dokumento.

Ipinakita ng mga ulat na ang Zhonhai 68, isang 2,340-toneladang general cargo ship, ay tumatakbo sa ilalim ng bandila ng Sierra Leone at iniulat na pinamamaha­laan ng HK Weifeng Hangyun Co. Ltd., isang kumpanya na nakarehist­ro sa Malaysia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines