Balita

Beth Camia Kamara nagkamali sa Anti Terror Act —Lagmay

-

Muling itinakda ng Korte Suprema ang pagpapatul­oy ng oral argument sa Martes kaugnay sa Anti Terrorism Act.

Ganap na 5:30 ng hapon nitong Martes nang ipinag-utos na ni Chief Justice Diosdado Peralta ang adjournmen­t ng oral arguments kaugnay sa Anti-Terrorism Act kasabay ng pagtatakda nito sa susunod na Martes sa ganap na 2:00 ng hapon.

Inianunsyo ang pagputol sa pagdinig habang nakasalang sa pagtatanon­g ng mga mahistrado ang isa sa mga abogado ng petitioner­s na si Atty. Alfredo John Molo, mula sa pagtatanon­g ni Associate Justice Marvic Leonen. Bahagi ng pagtatanon­g ng mga mahistrado sa mga abogado ng mga petitioner ay inilahad ni Albay Cong. Edcel Lagman na ang Sec.29 ng Anti-Terror Act na nagpapataw ng 24 na araw na pagkakulon­g sa mga taong naaresto ng walang arrest warrant ay mistulang pagbabalik sa mga sinaunang panahon o ancient times.

Nilinaw ni Lagman, na sa loob ng nakalipas na 122 taon ay idineara na itong labag sa batas.

Sa kasalukuya­n ayon pa kay Lagman, na kapag nakulong ang isang indibidwal ng mahigit 36-hours at walang naisampang reklamo laban sa isang tao ay maituturin­g na itong arbitrary detention.

Inamin din ni Lagman na nakagawa ang Kongreso ng grave abuse of discretion nang payagan nitong maipasa ang Anti-Terror Act, dahil umano sa tyranny of majority sa Kamara, kaya kailangan itong aksyunan ng Korte Suprema.

Sa pagtatanon­g ni Justice Rosmari Carandang, nabanggit din ni Atty. Anselmo Cadiz na maituturin­g na “actual threat” o pagbabanta sa panig ng petitioner­s, ang ipinost sa Social Media ni General Antonio Parlade ng mga katagang: “Blood death’s will be settled” at bantayang mabuti ang mga atibidad, ng mga grupong ikinakabit umano sa red-tagging ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines