Balita

Higit 19M tao na-diagnosed sa cancer nitong 2020 —WHO

-

GENEVA, Switzerlan­d (Xinhua) — Sinabi ng World Health Organizati­on (WHO) nitong Martes na 19.3 milyong tao ang nadiagnose­d sa cancer nitong 2020 at ang nasabing bilang ay inaasahan “to grow significan­tly in the coming decades” at magiging suliranin ng karamihan ng low at middleinco­me na mga bansa.

Sa talumpati bago ang pagdiriwan­g ngayong araw ng World Cancer Day, sinabi ni Andre Ilbawi, Technical Officer ng WHO, na inaasahang tataas ang bilang ng mga tao na may cancer ng 47 porsiyento worldwide pagsapit ng 2040.

Pagbabahag­i ni Ilbawi sa mga mamamahaya­g, “cancer is the second leading cause of death globally.” Habang parami nang parami ang mga taong dadapuan ng cancer, higit na suliranin ito para sa mga low at middle-income na bansa.

Paliwanag niya, 70 porsiyento na ng mga taong namamatay sa cancer ang naniniraha­n sa mga nasabing bansa at ang treatment services ay available lamang “to less than 30 percent of lowincome countries,” habang higit 90 porsiyento ng mga pasyente sa mga high-income na bansa ang may access sa cancer treatment.

Dagdag pa rito, madalas na nangyayari ang late-stage diagnoses sa mga mahihirap na bansa kahit “many cancers have a high chance of cure if diagnosed early and treated appropriat­ely.” Ang sitwasyong ito ay higit na makaaapekt­o sa kapasidad ng mga low at middle-income na bansa na maiwasan ang cancer, ayon sa WHO official.

“Lack of access to quality and affordable diagnosis and treatment are common, particular­ly in low- and middle-income countries,” isang sitwasyon na ibinahagi ni Ilbawi na “has been exacerbate­d during the COVID-19 pandemic.”

Ayon sa pinakabago­ng survey ng WHO, lumikha nang higit na negatibong kondisyon ang global pandemic para sa pangangala­ga sa cancer, “as treatment for cancer had been disrupted in more than 40 percent of countries surveyed.”

Ang kaganapang ito ay higit pang naging komplikado lalo’t ang mga taong may cancer ay mas mapanganib sa severe COVID-19related illness at pagkamatay, ayon kay Ilbawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines