Bagong protein na may kakayahang ma-neutralize ang COVID-19
CHICAGO, United States —Nadevelop ng Northwestern Medicine scientists ang isang bagong protein na may kakayahang maging isang trickster upang maneutralize ang COVID-19 infection sa human kidney organoid, isang miniature organ na gawa sa stem cells sa lab.
Ang protein ay isang variant ng ACE2, angiotensin converting enzyme-2, ang receptor na ginagamit ng coronavirus upang makapasok at makahawa sa human cells. Hinaharang ng modified protein ang S spike ng coronavirus at “fools it into binding to it” sa halip na sa tunay na ACE2 receptor sa cell membranes.
Pinag-aralan ng mga researchers ang ACE2 nang maraming taon bilang bahagi ng isang potential treatment para sa kidney disease. Isinailalim nila sa bioengineered ang novel ACE2 variants na lisensyado sa Northwestern University (NU) na pinaniniwalaan nilang maaaring ma-adapt para COVID-19 therapy sa pamamagitan ng pagharang sa coronavirus at pigilan ito na makadikit sa natural ACE2 receptor sa membrane ng cell.
Isinalang ang protein sa pagsusuri sa human kidney organoid dahil resistant sa impeksyon ang daga sa coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.
Ang natuklasan ay proof of concept na ang ACE2 protein ay epektibo sa pagpigil at paggamot ng COVID-19 infection sa tao, pahayag ni lead study author Daniel Batlle, professor of medicine sa NU Feinberg School of Medicine at isang Northwestern Medicine physician.
“While widespread vaccination is the best way to combat the COVID-19 pandemic, there will always be a need for therapies for prevention and treatment of people who were not vaccinated or for whom the vaccine was not fully effective,” ani Batlle.
Sa susunod na hakbang, plano ng mga researchers ang safety studies na kinakailangan bago ang Investigational New Drug approval para sa mga susunod pang pag-aaral sa mga pasyente na may COVID-19.
Inilabas ang pag-aaral nitong Lunes sa Journal of the American Society of Nephrology.
Katuwang ng Northwestern Medicine ang Northwestern Memorial HealthCare at NU Feinberg School of Medicine, na kinabibilangan ng research, teaching at patient care.