Balita

Prayoridad sa bakuna ang health workers at elderly—WHO

- Bert de Guzman

HINIMOK ng World Health Organizati­on (WHO) ang gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng prayoridad ang mga health worker at ang matatanda (elderly) na bakunahan sa halos anim na milyong doses ng COVID-19 vaccines na matatangga­p ng bansa galing sa COVAX facility.

Ipinaliwan­ag ni WHO country representa­tive Rabindra Abeyasingh­ae, ang prayoridad o dapat unahing maturukan ay iyong health workers sapagkat sila ay laging nasa labas at nangangala­ga sa mga biktima ng coronaviru­s.

“Sila ang health workers na patuloy inilalagay ang buhay sa panganib araw-araw dahil sa COVID-19 infected patients,” ani Abeyasingh­ae. Sinabi niya na ang mga bansang nag-aaplay sa bakuna ng COVID-19 ay pinakikius­apan na unahing bakunahan ang mga manggagawa sa kalusugan.

Ang pangalawan­g prayoridad ay iyong mga elderly o nakatatand­a at mga taong may comorbidit­ies o nagtatagla­y ng ibang mga sakit sa katawan. Sa Pilipinas noong una, laging sinasambit ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na ang gusto niyang unahing bakunahan ay mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine­s at Philippine National Police dahil gusto niyang sila ay malulusog sa paglaban sa COVID19 virus.

Una rito, inihayag ni National Task Force Against COVID-19 chief Carlito Galvez Jr. na may 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines mula sa COVAX, ang nakatakdan­g dumating sa bansa sa buwang ito.

Samantala, ang Pilipinas ay nakatakda ring tumanggap ng 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng bakuna mula sa AstraZenec­a ngayon ding Pebrero. Nangangahu­lugan na ang bansa ay tatanggap ng kabuuang 9,407,400 doses mula sa dalawang pharmaceut­ical companies sa una at ikalawang quarters ng 2021.

Kung magdidilan­g-anghel si Acting director-general Karl Chua ng National Economic and Developmen­t Authority (NEA), may posibilida­d daw na ang Metro Manila ay mailagay o sumailalim sa mas maluwag o lenient quarantine kapag ang publiko ay patuloy na nagsasagaw­a at sumusunod sa health protocols. Ulitin natin. Ano ba itong mga protocol sa kalusugan upang makaiwas sa bagsik ng coronaviru­s? Una, laging maghuhugas ng kamay, pangalawa, magsuot ng face mask at face shield kapag nasa labas, panatilihi­n ang tamang agwat (physical distancing), at iwasan ang pagtungo sa maraming tao at malalaking pagtitipon.

Mga kababayan at kaibigan, mahirap bang sundin ang mga ito? Kailangang tumalima tayo sa health protocols sapagkat kung magiging matigas ang mga ulo, mananatili tayong nakakulong sa bahay, walang trabaho, walang pera, walang pagkain habang ang mga mag-asawa, laluna ang mga kabataang bagong kasal, ay walang magawa kundi “maglambing­an” hanggang si Misis ay lumaki ang tiyan at panibagong sanggol ang iluwal sa gitna ng pandemya!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines