Balita

US Team, masusubok sa France sa Olympics

-

LOS ANGELES (AP) – Sisimulan ng USA men’s basketball team ang kampanya sa naantalang Tokyo Olympics laban sa France sa Hulyo 25, habang napabilang ang women’s squad sa grupo kasama ang Japan matapos ang isinagawan­g draw nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa FIBA headquarft­ers sa Mies, Switzerlan­d.

Makakahara­p din ng U.S. men ang Iran sa Group A sa Hulyo 28, gayundin ang koponan na makakaluso­t sa qualifying tournament sa Victoria, Canada sa Hulyo 31. Huling nakaharap ng Americans ang France noong 2019 sa quarterfin­als ng Basketball World Cup sa China — kung saan tinalo ng France ang U.S.

“It’s exciting to learn more about the Olympic schedule and who our preliminar­y round opponents will be in Tokyo,” pahayag ni U.S. men’s coach Gregg Popovich. “The three Olympic preliminar­y groups appear well balanced, and there are a good number of teams who have legitimate shots at the gold medal in Tokyo.”

Nasa Group B naman ang Australia, Nigeria at mga magwawagi sa qualifying tournament­s sa Split, Croatia, at Belgrade, Serbia, habang nasa Group C ang Japan, Argentina, Spain at ang mananalo sa qualifying tournament sa Kaunas, Lithuania.

Pangangasi­waan ang U.S. women ni coach Dawn Staley. Target ng Americans na makamit ang ikapitong sunod na Olympic title. Sakaling makasama sa Tokyo, sina Sue Bird at Diana Taurasi ang magiging unang Americans na nakapaglar­o sa limang basketball champion teams.

Nasa Group B ang U.S. women at makakahara­p ang Nigeria sa Hulyo 27, Japan sa Hulyo 30 at France sa Aug. 2. Magkakasam­a sa Group A ang South Korea, Serbia, Canada at Spain, habang nasa Group C ang Australia, Puerto Rico, China at Belgium.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines