Balita

Curry, nagtala ng marka sa NBA

-

SAN FRANCISCO (AP) — Naisalba ng Boston Celtics ang mainit na opensa ni Stephen Curry tungo sa 111107 panalo kontra sa Golden State Warriors nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nanguna si Jayson Tatum sa Boston na may 27 puntos.

Hataw ang two-time MVP na si Curry sa naiskor na 38 puntos, tampok ang pitong 3-pointers at makasama sa talaan ng kasaysayan ng prangkisa na nakaiskor ng career 17,000 points. Tanging ang namayapang Hall of Famer na si Wilt Chamberlai­n ang may tangan ng marka.

PACERS 134, GRIZZLIES 116

Sa Indianapol­is, naitala ni Domantas Sabonis ang seasonhigh 32 puntos at 13 rebounds sa panalo ng Indiana Pacers laban sa Memphis Grizzlies. Natuldukan ang seven-game winning streak ng Memphis.

Nag-ambag sina Malcolm Brogdon ng 23 puntos at Myles Turner ng 22 para sa Pacers (12-9).

BLAZERS 132, WIZARDS 121

Sa Washington, ginapi ng Portland TrailBlaze­rs, sa pangunguna nina Damian Lillard na kumana ng 32 puntos at Gary Trent Jr. na may 26 puntos, tampok ang pitong three-pointer, ang Wizards.

Nanguna sa Wizards si Russell Westbrook sa natipang triple-double – 17 puntos, 12 rebounds at 10 assists.

NETS 124, CLIPPERS 120

Sa New York, kumasa si Kyrie Irving sa naiskor na season-high 39 puntos, tampok ang walong sunod sa matikas na ratsada sa fourth period para sandigan ang Nets kontra Los Angeles Clippers.

Hataw din sina Kevin Durant na may 28 puntos at James Harden na kumana ng 23 puntos, 14 assists at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, naitala ni Fred VanVleet ang franchise record 54 puntos, tampok ang career-best 11 three-pointers sa dominanten­g panalo ng Toronto Raptors kontra Orlando Magic, 123-108.

 ??  ?? VanVleet
VanVleet

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines