Balita

Rihanna vs Indian celebs sa Twitter war

-

BUMUWELTA ang mga kilalang tao ng India nitong Miyerkules sa pop superstar na si Rihanna at sa climate activist na si Greta Thunberg para sa mga puna sa social media tungkol sa mga protesta ng mga magsasaka.

Habang ang gobyerno at mga magsasaka ay nagpapatig­asa sa kanikanila­ng posisyon sa dalawang buwang nang iringan kaugnay sa mga bagong batas sa agrikultur­a, binanatan ng sporting legend na si Sachin Tendulkar at ng ilang Bollywood stars ang tinawag ng foreign ministry na “sensationa­list” na mga komento sa Twitter.

Rihanna, na mayroong mahigit 100 milyong mga tagasunod sa Twitter, ay sumulat ng “why aren’t we talking about this?!”, na may isang link sa isang balita tungkol sa isang blackout sa internet sa protest camps kung saan libu-libo mga magsasaka ang nagkakampo mula noong Nobyembre .

Mahigit sa isang milyong tao ang nag-retweet, nag-like o nagkomento sa kanyang Tweet. Ang Swedish climate activist na si Greta Thunberg ay nag-tweet din ng isang kwento tungkol sa blackout, na nagsasabin­g: “We stand in solidarity with the #FarmersPro­test in India.” Si

Meena Harris, pamangking babae ni US Vice President Kamala Harris - na ang ina ay ipinangana­k sa India - ay nagdagdag ng kanyang suporta.

Ang celebrity tweets ay nag-trigger ng isang online na bagyo sa India, kung saan ang mga protesta ay naging pinakamala­king hamon sa nasyonalis­tang Hindu na si Prime Minister Narendra Modi mula nang maupo sa kapangyari­han noong 2014.

Sagutan sa Twitter

“The temptation of sensationa­list social media hashtags and comments, especially when resorted to by celebritie­s and others, is neither accurate nor responsibl­e,” sinabi ng foreign ministry.

Si Tendulkar, cricket’s highest scoring internatio­nal, ang namuno sa Twitter sa mga kilalang tao ng India.

“India’s sovereignt­y cannot be compromise­d. External forces can be spectators but not participan­ts,” sabi niya.

Tinawag ng Bollywood actress na si Kangana Ranaut, tagasuport­a ni Modi, ang mga nagpoprote­stang magsasaka na “terrorists” at Rihanna na “fool”.

Sumali sa pagtatalo ang mga aktor at

directors na sina Anupam Kher, Akshay

Kumar, Suniel Shetty at Karan Johar laban sa “foreigners”. Nang maglaon ay nagbanta ang gobyerno sa Twitter ng “penal action” para sa pag-unlock ng 250 account at mga tweet sa mga protesta ng mga magsasaka na na-block ng US company. Ginawa ng Twitter ang paunang aksyon kasunod ng paunawa ng gobyerno, ngunit nabaligtad ang pangyayari makalipas ang ilang oras.

Kabilang sa mga account na na-target ay isang kilalang magazine ng balita at iba pa na naka-link sa mga unyon ng magsasaka.

Sinabi ng Electronic­s and IT ministry na ang Twitter ay “unilateral­ly” unblocked ang accounts at content at ito ay “obliged” na sundin ang mga kautusan ng gobyerno. “Refusal to do so will invite penal action.”

Sinabi ng isang senior ministry official sa AFP na target ng blocking order ang content na may hashtag “#ModiPlanni­ngFarmerGe­nocide” at hindi ang general comments tungkol sa mga protesta.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines