Balita

2 PATAY SA AMMONIA LEAK

- Nina JOSEPH PEDRAJAS at ORLY BARCALA

Dalawa ang naiulat na namatay matapos magkaroon ng ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Navotas City, nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang natagpuan ang bangkay ng trabahador na si Gilbert Tiangco, 44, na binawian ng buhay nang tumagas ang drum na naglalaman ng 500 gallon ng ammonia sa loob ng T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage sa Bgy. North Bay Boulevard South (NBBS), dakong 4:00 ng hapon.

Kinumpirma naman ni Dr. Maricel Castillo ng Navotas City Hospital, na multiple physical injuries , secondary to blast injury ang ikinasawi ng empleyado.

Ipinaliwan­ag pa ni Castillo, delikado ang paglanghap ng ammonia dahil puwede itong magresulta sa organ failure, brain damage at kapag sobra ang pagkaexpos­e ng indibidwal sa kemikal ay maaari itong ma-comatose o mamatay.

Kahapon naman ng umaga, natagpuan naman ang isa pang bangkay. Ito ay kinilalang si Joselino Hasareno, 54, isang electricia­n.

“Bale kaninang umaga po, nakita po namin ‘yung katawan ni Joselino Hasareno. Siya ay 54 years old, empleyado ng T.P. Marcelo,” pahayag naman ni Vonne Villanueva, ng Navotas City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Ipinaliwan­ag ni Villanueva, nakasiksik sa gilid [‘yung body] na medyo malayo po sa impact site. Siguro sa kondisyon ng panahon na ‘yun dahil malakas pa ang amoy [ng ammonia hindi kaagad na-search nang maigi,” aniya.

Mahigit naman sa 60 na residente ang naiulat na isinugod sa Navotas City Hospital, Tondo Medical Center at Philippine General Hospital dahil sa pagkahilo.

Kaugnay nito, pinauwi na ni Mayor Tiangco ang iba pang residente na lumikas matapos matiyak na humupa na amoy ng ammonia sa pinangyari­han ng insidente.

Ipinahayag naman ng pamahalaan­g lungsod ng Navotas na ipinasara nila kaagad ang nasabing planta ng yelo habang iniimbesti­gahan pa rin ang insidente.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? NAKAKASULA­SOK Napilitang lumikas ang mga residente nang sumabog ang isang drum na ammonia sa katabing planta ng yelo sa Bgy. NBBS, Navotas City na ikinamatay ng dalawang trabahador nito, nitong Miyerkules ng hapon.
ALVIN KASIBAN NAKAKASULA­SOK Napilitang lumikas ang mga residente nang sumabog ang isang drum na ammonia sa katabing planta ng yelo sa Bgy. NBBS, Navotas City na ikinamatay ng dalawang trabahador nito, nitong Miyerkules ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines