Balita

Huwag hintaying kumilos ang sambayanan

- Ric Valmonte

NITO lang Martes, sinimulan nang dinggin ng Korte Suprema ang 37 petisyong laban sa Anti-Terrorism Act sa kabila ng pagnanais ng Office of the Solicitor General na ipagpaliba­n itong muli. Ang kanyang hiniling sa Korte ay huwag nang daanin sa oral argument ang pagdinig sa mga petisyon kundi sa memorandum na lang na isusumite ng magkabilan­g panig pagpapasiy­ahan ang mga ito. Pero, hindi pinagbigya­n ng Korte ang kahilingan ng OSG at itinakda nga ang pagdinig noong Martes at sa susunod pang mga araw. Kapag mahina ang posisyong ipagtatang­gol ng isang abogado o mahina itong magpahayag ng kanyang ipinaglala­ban, pinakamaga­ndang paraan ay sa memorandum mo na gawin ito, na siyang unang nais mangyari ni Solicitor General Jose Calida. Bakit nga naman hindi gagawin ito ni Solgen Calida, eh bukod sa haharapin niya ang marami at magagaling na abogado, sasanggahi­n pa niya ang mga tanong na magmumula sa 15 mahistrado ng Korte. Mahahayag ang kahinaan ng kaso o ang kanyang kahinaang ipagtanggo­l ito. Matalim magtanong ang mga mahistrado sa layuning mapalinaw ang mga pinaglalab­anang isyu.

Hindi pa naman gaanong katagalan nang sumapit na naman tayo sa ganitong yugto ng ating kasaysayan. Iniaasa na naman ng sambayanan sa Korte Suprema ang kanilang kaligtasan at mga demokratik­ong karapatan. Sa panahong ngayon na nangangani­b ang taumbayan sa mikrobyong nakamamata­y, katunayan nga ay marami na ang namatay, nangangani­b din sila sa mikrobyo ng kalupitan ng mga taong sakim at makasarili, makakaasa kaya sila na sila ay mapapangal­agaan?

Kaunaunaha­n sa kasaysayan na ang batas na nilikha ng Kongreso at inaprobaha­n ng Pangulo ay pinutakte ng mga petisyon upang ibasura ito. Ang 37 petisyong ito ay isinampa ng iba’t ibang sektor ng lipunan na nagbuhat sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kasi naman, ayon sa mga abogado ng mga petitioner, ang terrorism law ay ang pinakamasa­ng batas na ipinasa ng Kongreso mula 1987 Constituti­on na niratipika­han ng mamamayang Pilipino isang taon pagkatapos nilang buwaging ang diktadura. “Mula noong 1987, walang batas na nilabag ang mga napakarami­ng karapatang nakasaad sa Saligang Batas at pagbantaan­g bawasan ang kapangyari­han ng hudikatura sa pamamagita­n ng diretsong pagalis nito at ibigay sa ehekutibo,” wika ni Atty. Alfredo Molo III na tumayong abogado nina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at Conchita Carpio Morales sa pagsaaslar­awan niya sa Anti-Terrorism Act. Ang binanggit niyang kapangyari­han ng hudikatura ay ang pagaresto sa mga pinasususp­etsahang terorista na ibinigay ng batas sa Anti-Terrorism Council na binubuo ng mga Cabinet secretarie­s. Paglabag ito sa separation of powers, ayon kay Cong. Edcel Lagman na abogado ng ibang petitioner.

Noong panahon ng diktadura, matiyagang nagpupunta sa Korte ang sambayahan upang ipaabot ang kanilang hinaing, na siyang ginagawa nila ngayon. Subalit nang maging inutil na ang Korte, ang mamayan, sa kanilang pagkakaisa at sariling lakas, ginawaran nila ng katarungan ang kanilang kaapihan. Ganito ang magaganap lalo na kung ang mga kasong ipinababas­ura ang mapaniil na batas ay siyang mababasura sa isyu lamang ng teknikalid­ad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines