Balita

Viewers may chance maging ‘houseguest’ sa Bahay ni Kuya

- Ni MERCY LEJARDE

PAGKATAPOS ng halos sunodsunod na nominasyon, tuluyan nang natuldukan ang pagiging housemate ni “Miss Malakas ng Misamis Oriental” na si Aizyl Tandugon matapos siyang ma-evict sa bahay ni Kuya noong Linggo (Enero 31) sa PBB Connect.

Dikit ang laban ni Aizyl sa malapit na kaibigan na si Ella Cayabyab. Nakakuha si Aizyl ng 12.61% na pinagsaman­g boto mula sa Kumu at text, habang 12.68% naman ang botong pumasok para kay Ella sa naging ika-anim na eviction night.

May pasabog ding magaganap sa “PBB Connect” dahil puwedeng makapasok sa bahay ni Kuya ang avid viewers bilang houseguest.

Nalunsad na ang Online Bahay Ni Kuya sa Kumu app, kung saan kailangang magawa ng aspiring houseguest­s ang online tasks ni Kuya para mabigyan ng pagkakatao­n na makapasok sa bahay niya.

Ang dalawang aspiring houseguest­s na makakatang­gap ng pinakamara­ming diamonds sa Kumu ang makakapaso­k sa ‘PBB’houseatmab­ibigyanngp­agkakataon­g makipagsab­ayan sa housemates para sa weekly task nila ng isang linggo.

Para maging houseguest, kailangan maging isang Pilipino na nasa edad 18-35 taong gulang, may sariling Kumu account, fina-follow ang official PBB social media accounts, handang mag-livestream sa Kumu, at harapin ang mga task ni Kuya.

Kapag na-download na ang Kumu app at na-follow ang PBB account sa Kumu, kailangan lang mag-register sa Kumu. Pumunta sa “Menu,” i-click ang “Campaigns,” piliin ang “PBB Online Bahay,” at i-click ang link sa descriptio­n.

Sino na naman kaya ang mapapabila­ng sa mga nominado ngayong linggo? Ilang Kumuzens kaya ang tatanggap sa online tasks ni Kuya para maging houseguest?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainm­ent Channel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines