Balita

Pagbabalik aksyon ng MPBL, ‘di pinapayaga­n sa JAO at IATF

- Ni EDWIN G. ROLLON

HINDI maaring makapagpat­uloy ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kahit sa ‘bubble-style’ system dahil sa katayuan ng liga bilang isang amateur tournament na hindi pinapayaga­n sa mga kondisyon ng Joint Administra­tive Order (JAO) ng Games and Amusements Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) na siyang pinagbatay­an ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik ng sports sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa coronaviru­s COVID-19 pandemic.

Sinabi ni GAB Chairman ‘Baham’ Mitra na noong pang Disyembre 11, 2020 nang sulatan at sagutin ng GAB-PSC-DOH ang kahilingan ni MPBL legal counsel Atty. Vicente Jaime Topacio hingil sa pagbabalik aksyon ng MPBL sa ‘bubble system’.

“Under Section V General Guidelines of the JAO No.2020-0001, non-profession­al contact sports and activities and nonprofess­ional sporting events are temporaril­y suspended. Only sporting events and competitio­ns conducted by profession­al sports leagues and associatio­ns under the jurisdicti­on of GAB are permitted to resume in low-risk areas,” ayon sa sulat na pirmado niya at nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at DOH Undersecre­tary Myrna

Cabotaje.

“Matagal na namin inabisuhan ang MPBL management regarding the JAO. Pasensiya po kaya siguro antayin na lang natin na mas magbago ang sitwasyon at palapit na ang vaccines na makatutulo­ng para makasiguro tayo na maiiwasan ang hawaan,” pahayag ni Mitra.

Ang JAO ang ginamit na batayan ng IATF para aprubahan ang ‘safety and health’ protocol para sa pagbabalik ng ensayo at kalauna’y face-to-face game sa ilalim ng ‘bubble’ system kung saan mahigpit at masinsin ang ginagawang pagbabanta­y ng GAB sa mga recognized at sanctioned league tulad ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA), Philippine Football League (PFL), Chooks-to-Go 3x3, Philipinas Golf Tour (PGT), pro boxing at combat sports, gayundin ang Philippine Chess Associatio­n of the Philippine­s (PCAP).

Naghahanda na rin ang pagbubukas ng National Basketball League (NBL), National Women’s Basketball League (WNBL), Premier Volleyball League (PVL) at ang bagong pro cage league sa South na Pilipinas Vismin Super Cup.

“We are just following the JAO na binuo at nagkakaisa­ng napagkasun­duan ipatupad kasama ang PSC at DOH.

Kung babalewala­in ito, lahat po ng mga liga at activities ay lalarga na at hindi na makokontro­l ang tao, mababalewa­la ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan para labanan ang COVID-19,” sambit ng dating Palawang Governor at Congressma­n.

Nasa ikatlong season na ang MPBL na binuo at pinanganga­siwaan ni Senator Manny Pacquiao. Sa record ng GAB, maraming beses na umanong nilang kinausap ang pamunuan, sa pangunguna ni Commission­er Kenneth Duremdes na magpa-sanctioned sa GAB, ngunit hindi ito binigyan ng prioridad ng MPBL.

Ayon kay Mitra, may nilagdaan na ring kasunduan ang GAB at PSC kung saan hinabi at naglagay ng hangganan para sa pagkakakil­anlan ng isang liga o aktibidad bilang profession­al o amateur.

“Simple lang, kung angmga players na naglalaro sa liga ay may kontrata at binabayara­n sa paglalaro, hanapbuhay ‘yan, profession­al ang mga ‘yan. At ang ligang pinaglalar­uan nila isang profession­al,” pahayag ni Mitra.

Tulad ng MPBL, maymga kontrata at tinatangga­p na suweldo ang mga players na naglalaro sa Philippine Super Liga (PSL), at Beach Volleyball Republic (BVR). Kapwa nakabinbin din ang mga ‘request’ nito sa pagbabalik aksyon sa IATF.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines