Balita

Iranian diplomat, 20 taong kulong sa Paris bomb plot

-

ANTWERP (AFP)— Ipinakulon­g ng isang korte sa Belgium ang isang diplomat ng Iran sa loob ng 20 taon noong Huwebes matapos na mahatulan siya ng pagpaplano sa nabigong pambobomba sa isang rally ng oposisyon sa labas ng Paris noong 2018.

Mahigpit ang seguridad sa paglilitis sa Belgian port ng Antwerp at lalong nalason ang tensiyonad­ong elasyon sa pagitan ng Tehran at mga kapitolyo ng Europe.

Ang hatol ay itinuring na tagumpay ng exiled National Council of Resistance in Iran (NCRI), ang grupo ng oposisyon na tinarget ng pag-atake.

Si Assadollah Assadi, na ngayon ay 49, ay nasa Iranian mission sa Austria nang magbigay siya ng mga pampasabog para sa planong pagatake sa rally ng NCRI noong Hunyo 30, 2018 sa France.

Nasawata ng Belgian officers ang pag-atake nang harangin nila ang isang kotse na dala ang aparato, at si Assadi ay naaresto kinabukasa­n sa Germany, kung saan siya ay itinuring na unable to claim diplomatic immunity.

Ang tatlo sa kanyang mga kasabwat, dual Iranian-Belgians, ay naaresto din at noong Huwebes ay pinatawan ng pagkabilan­ggon mula 15 hanggang 18 taon at tinanggala­n ng kanilang Belgian citizenshi­p.

Sinabi ni Iranian foreign ministry spokesman Saeed Khatibzade­h na “the Islamic Republic of Iran strongly condemns” ang mga sentensiya at, binansagan ang paglilitis na “illegal and in flagrant violation of internatio­nal law”.

Sinabi ng defence counsel ni Assadi na si Dimitri de Beco na ang kanyang kliyente ay marahil na mag-apela sa hatol, ngunit bibigyan niya siya ng oras upang magpasya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines