Balita

Jake, never nagbalak lumipat ng ibang network

- Jake Ni DANTE A. LAGANA

KUNG napapanood man sa Ate ng Ate Ko ng TV5 ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca it doesn’t mean na iniwan na niya ang kanyang mother network, ang ABS-CBN. Mananatili pa rin daw itong Kapamilya. Kumbaga hiniram lang si Jake ng Kapatid Network for a certain project.

Nakausap ng Balita ang mismong manager ni Jake na si Neil De Guia. Ayon sa kanya co manage pa rin daw sila ng Star Magic. Kaya naman daw lumabas si Jake sa Kapatid Network dahil sa isang project na inoffer sa kanila. Besides, nagpaalam naman daw sila sa management ng ABS-CBN na kalaunan ay pinayagan. After ng “Ate ng Ate Ko” may follow up offer na naman daw ang TV5 kay Jake.

Ani Neil, “May offer na naman with Cristine Reyes. Tagilid kasi may offer ang ABS-CBN parang hindi kakayanin sa schedule kasi i-lolock in sila sa location.” Kaya naman daw tinanggiha­n na nila yung offer ng TV5. Ang tinutukoy na bagong project ni Jake sa ABSCBN ay ang Kapamilya series na Viral kasama sina, Dimples Romana, Charlie Dizon, Ria Atayde, Vance Larena, Louise Abuel,Jameson Blake, at Markus Paterson. Ang “Viral” ay soon mapapalaba­s sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at A2Z Channel 11. Aside from that mapapanood din si Jake sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) itong Sabado kasama sina Ria Atayde at Malou de Guzman.

Sa nangyaring hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN nagbalak ba si Jake lumipat sa ibang network? “Never, hindi naman siya nawawalan ng work sa ABS-CBN so why lilipat if OK kami sa ABS-CBN,” ang mabilis na sagot ng manager ni Jake. Oo nga naman. Yun na!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines