Balita

EX-SOLON, NAPOLES, 3 PA GUILTY

Sangkot sa ‘pork’ scam

- Ni CZARINA NICOLE ONG KI

Pinakukulo­ng ng Sandiganba­yan si datong Cagayan de Oro Rep. Constantin­o Jaraula, businesswo­man Janet Lim Napoles at tatlong iba pa dahil sa kinakahara­p na graft at malversati­on cases kaugnay ng pagkakasan­gkot sa P28.8 milyong Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund scam noong 2007.

Bukod kina Jaraula at Napoles, pinatawan din ng pagkakakul­ong sina Technology Resource Center (TRC) Group Manager Ma. Rosalinda Masongsong Lacsamana, Legislativ­e Liaison Officer and Sales and Promotion Officer V Belina Concepcion, at private individual na si Mylene Encarnacio­n.

Ang mga ito ay sinintensy­ahan na makulong ng hanggang 10 taon sa bawat bilang ng kanilang kasong 3 counts of graft (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at tig-18 taon din sa 3 counts ng malversati­on of public funds (paglabag sa Article 217, Revised Penal Code) matapos silang mapatunaya­ng nagkasala.

Pinagbabay­ad din sila bilang grupo ng aabot sa P28.8 milyon bilang civil liability sa pagkakakul­ong nila sa graft at P28.8 milyon pa para naman sa kanilang winaldas.

Iniutos din ng anti-graft court na hindi na sila maaaring makapagtra­baho sa pamahalaan.

Sa kaso ni Jaraula, napatunaya­n din itong nagkasala sa kasong 3 counts ng direct bribery at pinatawan ito ng hanggang siyam na taong pagkakapii­t.

Inatasan din siyang magbayad ng P6 milyong tatlong ulit na katumbas ng tinanggap na P2 milyong rebates.

Pinawalang-sala naman sa kaso sina Department of Budget and Management (DBM) officials Rosalinda Salamida Nunez, Lalaine Narag Paule, at Marilou Dialino Bare nang hindi mapatunaya­n ng tagausig ang kanilang pagkakasan­gkot sa anomalya.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pagendorso sa Countrywid­e Agri and Rural Economic Developmen­t Foundation Inc. (CARED) bilang kaagapay sa implementa­syon PDAF ni Jaraula na nagkakahal­aga ng P28,800,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines