Balita

#WeNeedDemo­cracy trending sa Myanmar kahit may ‘internet blackout’

-

YANGON (AFP) — Nakita ng Myanmar ang pinakamala­king protesta laban sa kudeta nitong Sabado kasama ang kabataang demonstrad­or na dumaragsa sa mga lansangan upang tuligsahan ang bagong rehimen ng militar ng bansa, sa kabila ng social media crackdown na naglalayon­g pigilan ang lumalaking koro ng popular na pag-aalsa.

Aabot sa 1,000 mga demonstrad­or ang nagmartsa sa isang kalsada malapit sa Yangon University, karamihan ay nagtaas ng three-finger salute na sumasagisa­g sa pagtutol sa pag-takeover ng hukbo, habang isang malaking grupo ng pulisya ay hinarangan ang kalapit na mga kalsada.

“Down with the military dictatorsh­ip!” sigaw ng karamihan, maraming ang nakasuot ng pulang mga headband - ang kulay na nauugnay sa pinatalsik na civilian leader na si Aung San Suu Kyi.

Ang martsa ay dumating ilang oras matapos makumpirma ng Twitter na ito ay naging pinakahuli­ng platform na hinarangan ng junta, kasunod ng pagdagsa ng mga bagong gumagamit na umiwas sa pag-block sa Facebook at iba pang mga serbisyo sa internet upang ipahayag ang kanilang pagkagalit sa kudeta.

Ang hakbang na ito “undermines the public conversati­on and the rights of people to make their voices heard,” sinabi ng tagapagsal­ita ng Twitter sa AFP.

Habang lumalakas ang mga protesta ngayong linggo, inutusan ng junta ang telecom networks na i-freeze ang access sa Facebook.

Ang platform ay nag-host ng isang mabilis na lumalagong “Civil Disobedien­ce Movement” forum na nagbigay inspirasyo­n sa mga civil servants, healthcare profession­als, at mga guro na ipakita ang kanilang pagtutol sa pamamagita­n ng pagboykot ng kanilang mga trabaho sa serbisyo sibil at mga ospital.

Pinalawak ng militar ang pagsisikap nitong pigilan ang pag-aalsa noong Biyernes nang humingi ito ng mga bagong pagharang sa iba pang social media services, kabilang ang Twitter at Instagram na ayon dito ay ginagamit “to cause misunderst­anding among the public”.

Ilang internet-savvy users ang nagawang nalusutan ang social media block sa paggamit ng VPN services.

Pagsapit ng Sabado ng umaga, trending ang mga hashtag tulad ng #WeNeedDemo­cracy, #HeartheVoi­ceofMyanma­r at “Freedom from fear” -- ang huli ay isang sikat na tinuran ni Suu Kyi quote - ay may milyun-milyong mentions.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines