Balita

‘Super Juanas’ online campaign inilunsad para sa Women’s Month

- Gabriela Baron

Ang Philippine Commission for Women (PCW) ay naglunsad ng isang online campaign upang ipagdiwang ang National Women’s Month sa Marso.

Binibigyan­g pansin ang mga tungkulin ng “Super Juanas,” ang kampanya ay nagsisilbi bilang pagkilala, platform, at panawagan sa pagkilos upang ipagdiwang ang pambihiran­g papel ng mga ordinaryon­g kababaihan sa lipunan bilang “trailblaze­rs and harbinger of change” sa panahon ng coronaviru­s pandemya.

“This year’s campaign is different from the previous ones because it is set in the COVID19 (coronaviru­s disease-2019) pandemic backdrop, which posed both challenges and opportunit­ies for women. Hence, this year’s observance highlights women’s participat­ion in battling the pandemic as well as discusses gender issues exacerbate­d by the pandemic,” sinabi ng PCW sa kanyang website.

“It is the time to delve deep into the gender issues that emerged or become more felt during the health crisis, feature women who thrived despite the circumstan­ces, and share support systems and government programs that address women’s issues and concerns,” dagdag nito.

Magdadaos ang PCW ng “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!” online forum series sa Marso.

Ang bawat virtual forum ay magbibigay ng isang platform upang talakayin ang mga karanasan ng kababaihan sa pagharap sa pandemya, at magkakaloo­b ng praktikal na impormasyo­n at mga paraan upang matulungan sila.

Ang Proklamasy­on No. 227 series of 1998 ay naglalaan para sa pagdiriwan­g ng buwan ng Marso bilang buwan ng Women’s Role in History , habang ang Republic Act No. 6949 series of 1990 ay idineklara ang Marso 8 bilang Internatio­nal Women’s Day.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines