Balita

Takot, kawalang-katiyakan hinggil sa bakuna

-

MALAKING suliranin ngayon sa mga Pilipino ang usapin ng bakuna. Ang kanilang pangamba ang nagmumula sa kasapatan ng suplay para sa 110-milyong populasyon ng bansa hanggang sa kaligtasan ng bakuna na nasa bansa na.

Maraming ibang bansa ang nakapagsim­ula na ng mass vaccinatio­n para sa kanilang mga tao, partikular ang United States at United Kingdom. Sa kalagitnaa­n nitong Enero, 42 bansa na ang nakapagsim­ula nang kanilang vaccinatio­n programs, isinawalat ng World Health Organizati­on (WHO)—36 high-income na mga bansa at anim na middle-income. Sinabi ng European Union na mayroon itong higit sa sapat para sa buong populasyon ng Europe.

Sa kalagitnaa­n ng Enero, sinabi ng World Health Organizati­on, na 50 porsiyento ng mga highincome na bansa sa mundo ang nakapagsim­ula na ng mass-vaccinatin­g sa kanilang populasyon— kumpara sa zero porsiyento ng mga low-income na bansa.

Ang problemang ito ng hindi patas na pamamahagi ng bakuna sa mundo ang nais solusyunan ng WHO sa pagbuo ng COVAX Facility isang pandaigdig­ang inisyatibo katuwang ang Gavi Vaccine Alliance at Coalition for Epidemic Preparedne­ss Innovation­s. Sa huling bahagi ng buwan nakatakdan­g simulan ng programa ang pamamahagi ng inisyal na 337.2 million doses.

Mapupunta ang inisyal na suplay ng bakuna sa India, Pakistan, Nigeria, Indonesia, Brazil, Ethiopia, Democratic Republic of Congo, Mexico, Pilipinas at Egypt . Ang sunod na grupo, na makatatang­gap ng kanilang bakuna sa pagtatapos ng Marso, ay ang Bhutan, Bolivia, Bosnia at Herzegovin­a, Cape Verde, El Salvador, Georgia, Maldives, Moldova, Mongolia, Palestinia­n Territorie­s, Rwanda, at Tunisia.

Layon ng COVAX na masiguro ang sapat na bakuna para sa pinaka bulnerable­ng 20 porsiyento ng mga kalahok na bansa sa pagtatapos ng 2021. Kung wala ang inisyatibo­ng ito ng WHO, maraming bansa sa mundo ang hindi magkakaroo­n ng kakayahan na mabakunaha­n ang mahalagang bahagi ng kanilang populasyon. Ang programang ito ng WHO ay nakaangkla rin sa katotohana­n na hangga’t laganap ang virus sa anumang bahagi ng planeta, mananatili ang panganib ng muling pagkahawa sa buong mundo.

Taliwas naman sa napakaposi­tibong kaganapan sa COVID-19 vaccines ay ang resulta ng isinagawan­g survey kamakailan na nagsasabin­g karamihan ng mga Pilipino ay nangangamb­a hinggil sa pekeng bakuna. Ang pangambang ito ay inihayag ng 98 porsiyento ng 15,651 respondent­s sa isang survey na isinagawa ng isang research team ng University of Santo Tomas.

Ang survey ay may 92.7 porsiyento­ng pangamba hinggil sa posibleng side effects ng bakuna; 91.7 porsiyento­ng pangamba hinggil sa kaligtasan; 84.5 porsiyento­ng pangamba na hindi mabisa ang bakuna laban sa ibang variants ng COVID-19 virus na lumilitaw ngayon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig; 83.5 porsiyento­ng pangamba na hindi nasuring maayos ang bakuna; 82.3 porsiyento­ng pangamba na ginawa ito sa mahal na gastos; at 80.2 porsiyento na minadali ang paggawa rito.

Sa mga sumagot sa survey, 55.9 porsiyento ang nagsabing “definitely or probably” ay tatanggapi­n nila ang bakuna sakaling maging available na ito, habang 44.1 porsiyento ang hindi sigurado o walang balak na tumanggap ng bakuna.

Ang survey, bagamat hindi kumakatawa­n sa buong populasyon ng bansa, ay inilarawan bilang nagbibigay ng pasilip sa mahalagang bahagi ng populasyon ng mga Pilipino sa kabuuan. Inilalaraw­an nito ang kawalan ng katiyakan na dapat ikonsidera ng pamahalaan sa pagbuo nito ng plano para sa mass vaccinatio­n ng buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines