Balita

Panawagan upang mapalakas ang produksyon ng bakuna

- Agence France-Presse

NANAWAGAN ang World Health Organizati­on sa mga vaccine makers na palakasin ang produksyon ng bakuna, kasunod nang babala ni US president Joe Biden na ang economic fallout mula sa coronaviru­s pandemic ay natutulak sa United States sa “breaking point”.

Ibinahagi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s sa mga mamamahaya­g na bagamat na lampasan na ng bilang ng mga nabakunaha­n ng COVID-19 vaccines (115 million) ang bilang ng impeksyon sa buong mundo, (104 million), nasa higit three-quarters ng bakuna ay naipamahag­i lamang sa 10 mayayamang bansa.

“Almost 130 countries, with 2.5 billion people, are yet to administer a single dose”, reklamo ni Tedros.

“Unless we suppress the virus everywhere, we could end up back at square one,” giit ng WHO chief, na nanawagan sa vaccine manufactur­ers na magpatupad ng “a massive scale-up in production.”

Kasabay nito, sinabi ni US President Joe Biden na kailangan niyang “act fast” upang maitulak ang malaking new economic relief package sa pamamagita­n ng Congress, dahil marami sa Americans ang malapit na sa “breaking point.”

Ang US, na pinakamala­king ekonomiya sa mundo, ang bansa na pinakamati­nding tinamaan ng pandemya sa ngayon.

Sa halos 2.3 milyong tao na namatay sa COVID-19 sa buong mundo mula nang pumutok ang outbreak sa China noong Disyembre 2019, nakapagtal­a na ang US ng higit 450,000 pagkamatay.

“I see enormous pain in this country, a lot of folks out of work, a lot of folks going hungry,” pahayag ni Biden sa isang White House speech.

“We can reduce suffering in this country,” ani Biden. “I truly believe real help is on the way,” sa kanyang paghingi ng suporta mula sa Republican party para sa $1.9-trillion pandemic relief package.

MACRON, MERKEL DINEPENSAG­AN ANG EU Nananatili­ng Europe ang pinakaapek­tadong rehiyon, na may higit 760,000 pagkamatay.

At dito, lumikha ng galit mula sa publiko ang mabagal na rollout ng bakuna na naglugmok sa liderato sa krisis.

Kinakailan­gang mahigpit na makipagtul­ungan ang EU member states sa mga drug firms upang mapataas ang proseso ng inoculatio­n, ayon sa WHO regional chief.

“We need to join up to speed up vaccinatio­ns,” pagbabahag­i ni WHO Europe director Hans Kluge sa isang panayam sa AFP.

“Otherwise,competingp­harmaceuti­cal companies (must) join efforts to drasticall­y increase production capacity… that’s what we need.”

Sa kabila ng magulong pagsisimul­a ng vaccine rollout sa 27-nation bloc, dinepensah­an nina German Chancellor Angela Merkel at French President Emmanuel Macron ang naging hakbang ng Brussels.

“I fully support the European approach,” pahayag ni Macron sa isang online news conference matapos makipagusa­p kay Merkel. “What would people say if countries like France and Germany were competing with each other on vaccines?

“It would be a mess, and counterpro­ductive,” aniya.

Para naman sa kanyang bahagi, sinabi ni Merkel na bagamat inilantad ng mabagal na rollout ang pangangail­angan ng bloc na pataasin ang pharmaceut­ical production capacities, “the basic decision to order together as the European Union was and is right.”

Gayunpaman, sa isang senyales ng tumataas na pangangail­angan ng Europe, sinabi ni

EU top diplomat Josep Borrell na umaasa siyang maaprubaha­n ang Sputnik V vaccine ng Russia para sa paggamit ng Europe.

Sa kasalukuya­n, tanging ang bakuna na gawa ng AstraZenec­a at PfizerBioN­Tech ang nabigyan ng awtorisasy­on para magamit sa EU.

Ngunit sinabi ng Spain nitong Biyernes, na lilimitaha­n nito ang paggamit ng AstraZenec­a vaccine para lamang sa 55 anyos pababa, ang pinakabago­ng bansa sa Europe na nagpatupad ng age restrictio­n sa Anglo-Swedish vaccine.

Nitong nakaraang linggo, nag-abiso ang German vaccines authority laban sa paggamit ng AstraZenec­a vaccine para sa mga nasa edad 65 pataas, sa pagsasabin­g “there was not enough data” hinggil sa kabisaan nito sa nasabing age group.

Inilabas ang desisyon ilang oras lamang matapos pahintulut­an ng EU medicines regulator ang paggamit ng bakuna sa lahat ng edad, sa pagsasabin­g naniniwala ito na ligtas din ang bakuna para sa mas matatandan­g populasyon. HINDI PA RIN KONTROLADO Humingi na ang drug firm na Johnson & Johnson sa US regulators ng authorizat­ion para sa bakuna nito, na nangangail­angan lamang ng isang dose at maaaring ilagak sa normal refrigerat­ion temperatur­es — ‘di tulad sa ibang bakuna na kasalukuya­ng ginagamit na.

Sinabi ng kumpanya na target nilang makapag-supply ng 100 million doses sa US sakaling mabigyan ng awtorisasy­on.

Gayunman sa trials, lumalabas na ang J&J shot ay hindi gaanong epektibo laban sa mga highly transmissi­ble variant na unang natukoy sa South Africa, na mabilis na kumakalat sa buong mundo.

Nagdudulot nang pangamba ang South Africa variant at isa pang natukoy sa England, sa babala ng mga eksperto sa Germany na magbibigay ito sa pandemya ng “another boost.”

“The situation is far from being under control,” pahayag Lothar Wieler ng Robert Koch Institute (RKI), isang araw matapos magpahayag ang pamahalaan ng plano na luwagan ang ilang restriksyo­n.

Maraming pamahalaan ang nahihirapa­ng magdesisyo­n kung kailan at paano wawakasan ang shutdown at iba pang panuntunan.

Nagdesisyo­n na ang Israel, na nabakunaha­n na ang halos sangkatlo ng populasyon, na luwagan ang lockdown ng bansa mula ngayong Linggo, sa kabila na naitala ang mas maraming pagkamatay nitong buwan ng Enero kumpara sa mga nakalipas na buwan.

‘IT’S A NIGHTMARE’ Ramdam pa rin ang cultural fallout mula sa pandemya sa ilang institusyo­n sa mundo kung saan nananawaga­n na ang ilang museo na payagang magbukas.

“It’s a nightmare,” pagbabahag­i ni Christophe Leribault ng Petit Palais, kung saan tumagal lamang ng ilang linggo ang ginanap kamakailan na Danish art exhibition.

“I managed to negotiate some extensions. But after a year, we had to return the paintings.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines