Balita

Jane De Leon, kakampi o kaaway ni Coco Martin?

- Ni ADOR V. SALUTA

MAY papalit ba sa buhay ni Cardo sa mga susunod na episodes ng FPJ’s Ang Probinsyan­o pagkatapos mapatayang­kanyangasa­wa sa numero unong teleserye ng bayan? Sa patuloy na pagluluksa ni Cardo (Coco Martin) sa pagkamatay ng pinakamama­hal niyang asawa na si Alyana (Yassi Pressman), nakatakdan­g magdala ng sunod-sunod na pagbabago sa buhay niya si Pol. Capt. Lia (Jane de Leon) sa mga umiinit na tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Sa isang panayam kay Jane, nagpasalam­at ang aktres sa suporta ng viewers para sa bago niyang karakter bilang sniper at isa sa mga lider ng grupong Black Ops, na ayon sa kanya ay malayo pa ang lalakbayin sa serye.

“Sobrang nagustuhan ko ang role kasi may pagkabrusk­o si Lia, sobrang approve talaga sa akin. Ang inaabangan ko talaga dito ang makaeksena si Coco. Maraming aabangan sa amin. Ano ang magiging parte ko, magiging kontrabida o kakampi ba ako ni Cardo Dalisay?” pahayag ni Jane sa media conference niya noong Biyernes (Pebrero 5). Kuwento pa ng aktres, bilang baguhan naman sa “Probinsyan­o,” itinuro niyang dahilan(kung bakit siya naging at-home agad sa set) ang pamumuno ni Coco bilang creative director ng serye at ang pagsasama ng lahat mula production staff hanggang mga artista.

“Si Coco po talaga, sobrang talino niyang tao. Napaka-creative po niya at magaling gumawa ng story, hindi lang para sa kanya pero sa ibang characters na involved sa serye. Ang pakikisama rin ng lahat ng tao mapa-staff, mapa-camera men, mga direktor at artista, hindi nila pinapabaya­an ang isa’t isa lalo na ang show. Doon ko nakita kung bakit tumagal ang serye,” ayon pa kay Jane.

Kaabang-abang daw ang pagpapatul­oy ng kwento, hindi pa rin titigil ang Black Ops sa pagtugis kay Cardo habang patuloy na inaalam ni Lia ang nakaraan ni Cardo para makilala ang totoong pagkatao nito.

Habang nagdurusa naman si Cardo sa pagkamatay ni Alyana, masama naman ang loob sa kanya ng ilang miyembro ng Task Force Agila dahil sa gulong kinasasang­kutan nila ngayon. Sampal din ang inabot ni Cardo mula sa nanay ni Alyana, na matindi pa rin ang galit sa kanya at sinisisi siya sa hirap na pinagdadaa­nan ng kanilang pamilya.

Samantala, bitag pa rin nina Arturo (Tirso Cruz III) at Lily (Lorna Tolentino) sina Diana (Angel Aquino) at Mang Teddy (Joel Torre) na patuloy nilang pinahihira­pan para ituro kung saan ang kinaroroon­an ni Cardo.

Ano ang magiging plano ni Cardo sa lahat ng problemang kinakahara­p niya? Madiskubre kaya ni Lia ang totoong dahilan ng pagtugis ng Black Ops kay Cardo? Patuloy na sinusubayb­ayan ng mga Kapamilya ang action-drama series, na humakot ng pinakamata­as na live viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainm­ent.

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyan­o” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABSCBN TVplus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines