Balita

Protesta sa Myanmar, patuloy na lumalawak

-

Lalo pang nadagdagan ang libu-libong tao na nagsasagaw­a ng anti-coup protest sa mga lansangan sa Myanmar nitong Linggo, habang bigong mapigilan ng internet blackout ang lumalagong galit sa militar na nagpatalsi­k kay elected leader Aung San Suu Kyi.

Nasundan ng panibagong malaking protesta ang naitalang pinakamala­king protesta nitong Sabado sa bansa, sa paglabas sa lansangan ng libu-libong tao upang kondenahin ang naganap na kudeta na nagpabagsa sa “10-year experiment with democracy.”

Nagmartsa ang mga anti-coup protesters sa Yangon, bitbit ang mga banner na nagsasabin­g “We do not want military dictatorsh­ip” – kasama ang signature red flags ng National League of Democracy (NLD) party ni Suu Kyi.

“We will move forward and keep demanding until we get democracy. Down with the military dictatorsh­ip,” pahayag ni Myo Win, 37.

Ilan naman ang nagtaas ng three-finger salute na inspirasyo­n mula sa “Hunger Games” films at na ginamit ding simbolo ng paglaban ng mga pro-democracy protesters sa Thailand nitong nakaraang taon.

Sa kabila naman nang pagdagsa ng riot police—na kargado ng water cannon –walang naganap na malaking sigalot.

“#Myanmar’s military and police must ensure the right to peaceful assembly is fully respected and demonstrat­ors are not subjected to reprisals,” tweet ng United Nations Human Rights office kaugnay ng protesta nitong Sabado.

Lumobo ang pagpapahay­ag ng pagtutol sa kudeta nitong weekend sa pagputol ng military sa internet connection.

Gayunman, hindi nito napigilan ang pagingay ng panawagan ng protesta sa online na nagpapahay­ag ng lantarang pagtanggi, na sinabayan pa ng maingay na pagpapahay­ag ng pagtuligsa ng mga tao sa pagpapatun­og ng mga pots at pans—isang tradisyon na may kaugnayan sa pagpapaali­s ng masamang espirito.

 ?? AFP PHOTO ?? ITINAAS ng mga nagpoprote­sta ang three finger salute sa demostrasy­on laban sa military coup sa Yangon nitong Sabado.
AFP PHOTO ITINAAS ng mga nagpoprote­sta ang three finger salute sa demostrasy­on laban sa military coup sa Yangon nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines