Balita

Bakuna ng Pfizer at Moderna, darating na sa PH sa Pebrero 14

- Bert de Guzman

SA wakas, isinumite na rin ng Malacañang ang mga priority group na unang tuturukan ng bakuna. Sa listahan, hindi nangunguna ang laging sinasambit ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na dapat ay mga kawal at pulis ang unang bakunahan. Kasama rin sila pero hindi unang-una.

Batay sa balita, ang una sa listahan ay frontline workers, kabilang ang health profession­als, mga estudyante,

nursing aides, janitors at barangay health workers mula sa pampubliko at pribadong pasilidad. Ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna ay darating na umano sa Pebrero 14. Sana ay tuloy na.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na ang listahan ng mga grupong prayoridad sa pagbabakun­a ay iprinisint­a ng Interim National Immunizati­on Technical Advisory Group (iNITAG) sa pulong noong Huwebes.

Ang unang tranche ng mahigit sa 100,000 bakuna mula sa PfizerBioN­Tech ay ilalaan para sa health care workers na nakatalaga sa COVID-19 sa mga ospital at referral hospitals, mga ospital na ari ng DOH, LGU hospitals, mga ospital para sa uniformed services at empleado ng mga pribadong pagamutan.

In-adopt ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga medical at health personnel sa A1

priority population classifica­tion o una; kasunod ng A2 na pawang senior citizens na edad 60 pataas; at A3 na mga tao na may comorbidit­ies o ibang mga sakit.

Sa Resolution 98-A, isinama ng IATF sa priority list ang frontline personnel sa mahahalaga­ng sektor (A4), kabilang dito ang uniformed personnel at iyong working sectors na tinukoy ng IATF na mahalaga o essential sa panahon ng ECQ; A5 para sa mahihirap na tao na hindi nakasama sa unang kategorya at B1, na kinabibila­ngan ng mga guro at social workers.

Iginigiit ng publiko at ordinaryon­g mamamayan na sa pagdating ng mga bakuna ng Pfizer, Moderna at iba pa, dapat ang unang bakunahan ay mga lider ng bansa upang lubos silang magtiwala sa bisa at kaligtasan ng mga ito.

Partikular na binanggit nina Juan dela Cruz, Pedrong Pasang-Hirap at Mariang Tindera na pangunahan

ni Mano Digong at mga miyembro ng gabinete sa pagpapatur­ok upang mawala ang takot, pangamba at pagaalinla­ngan ng mga mamamayan sa bakuna.

Tandaan natin na nagkaroon ng phobia ang mga Pinoy sanhi ng kontrobers­iya na likha ng Dengvaxia noon na itinurok sa mga batang magaaral, na ayon sa PAO sa pamumuno ni Persida Acosta ay nangamatay o kaya naman ay nagkasakit.

Dahil sa dengvaxia, natakot ang mga magulang na pabakunaha­n ang mga anak laban sa tigdas, polio, diptheria at iba pang mga sakit. Dumami tuloy ang nagkasakit dahil sa hindi nabakunaha­n.

May katwiran siguro ang ating mga kababayan na hintayin nilang ang mga pinuno ng ating minamahal na Pilipinas ang unang turukan ng Pfizer, Moderna, AstraZenec­a, Sinovac at Sinopharm para maniwala silang ligtas at mabisa ang naturang mga bakuna.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines