Balita

Vice Ganda, aminadong na-offend kay Direk Bobet

- Ni NITZ MIRALLES Vice

NAGSALITA na si Vice Ganda sa pag-alis ni Bobet Vidanes na director ng It’s Showtime. Ngayon lang nagsalita si Vice pagkatapos ng ilang buwang pag-alis ng former director ng noontime show ng ABS-CBN.

Sa kanyang personal vlog, inilabas ni Vice ang naramdaman nang malaman ang pagre-resign ni direk Bobet at sa napanood namin, nasa spa pa yata si Vice at kasama niya si Ryan Bang.

“Siyempre nagulat, wala namang nakakaalam. Hindi ko alam kung walang nakakaalam. Hindi ko alam kung alam niyo or hindi kasi ako personaly, hindi ko alam,” sabi nito.

Sabi pa ni Vice, tinext niya si direk Bobet para magtanong, “Tinext ko siya na usap kami para lang maintindih­an ko ‘di ba? Hindi niya ako sinagot. Para alam ko man lang or alam man lang natin or isa man lang sa atin ang may alam ng totoong rason. Kasi ‘yung rason, ‘yun ‘yung sinabi niya sa management pero ‘yung personal, wala naman siyang kinausap sa atin.”

“Nakakagula­t lang, parang after 11 years, ganun lang pala iyon. Kung meron man tayong bahagi doon sa dahilan niya para umalis, sana nalaman man lang natin.”

Ang feeling ni Vice, kung may nakausap si Vice na isa sa kanilang mga taga-It’s Showtime, baka hindi umalis sa show ang director.

“Kung anuman ang dahilan niya, sana napag-usapan. Kung talagang family tayo,

baka kung napag-usapan, baka nagawan ng paraan. Baka natulungan natin ang isa’t isa. Kung may pinagdaana­n siya noon, baka nakagawa tayo ng paraan.”

“Ang plastic kapag sinabi kong hindi ako na-offend. Naloka din ako, ano ‘yun ganun lang? after 11 years? Nanggaling pa ‘yun sa anniversar­y na meron pa tayong mga chikang walang iwanan kahit anong mangyari. Sa opening ‘di ba may ganun tayo? Tapos a few days after the anniversar­y, biglang maririnig ko. Anong nangyari sa pangako,” patuloy ni Vice.

Kahit iniwan sila ni direk Bobet, winish pa rin ni Vice na maayos ang nag-resign na director. “Sana okay siya kung anuman ang kinahinatn­an nung decision niyo. Sana okay siya.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines