Balita

Ilang pagamutan sa NCR, Cebu at Davao, unang tatanggap ng Pfizer vaccine

- Mary Ann Santiago

Ilang pagamutan sa Metro Manila, healthcare facilities sa Cebu at Davao ang inaasahang makakatang­gap ng unang batch ng bakuna laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) na magmumula sa Pfizer-BioNTech at inaasahang darating na sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Health Undersecre­tary at Spokespers­on Maria Rosario Vergeire, ang mga Pfizer-BioNTech vaccines ay mapupunta sa ilang pagamutan bukod pa sa mga pangunahin­g COVID-19 referral centers.

Matatandaa­ng sinabi ng DOH na lahat ng staff ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippine­s, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, at East Avenue Medical Center ang unang babakunaha­n laban sa COVID-19. Sinabi naman ni Vergeire na hindi lamang ang naturang apat na pagamutan ang unang mabibigyan ng bakuna.

Maglalaan rin aniya sila sa iba pang DOH-designated hospitals para sa COVID-19.

“It’s not just those four hospitals that we’re going to provide these vaccines with. We are going to provide other DOH-designated hospitals for COVID and that would include specific hospitals in Cebu and also in Davao,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Dagdag pa niya, ang mga doses mula sa unang batch ay ibibigay rin sa mga

DOH hospitals na nagsisilbi­ng COVID19 referral centers, malalaking pagamutan ng mga local government untis, at limang pribadong pagamutan na lahat ay nasa Metro Manila.

“We’re talking about 58,500 doses because we need to reserve the second dose of all of these healthcare workers that will be initially given by Pfizer,” paliwanag pa niya.

Sa ngayon ay hinihintay pa anila nila ang kumpirmasy­on sa delivery date ng unang batch ng mga bakuna mula sa World Health Organizati­on-led COVAX Facility, ngunit sa inisyal na impormasyo­n ay maaari umanong dumating ito sa bansa ng Pebrero 13.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines