Balita

Pangako ng Myanmar junta: Batas militar ‘naiiba’ ngayon

- Mass rallies

Iginiit ng army chief ng Myanmar nitong Lunes na ang pamumuno ng militar ay naiiba sa pagkakatao­ng ito, sa pagdeklara ng batas militar sa buong bansa pagkatapos ng malawakang protesta laban sa bagong junta.

Ang mga utos na sumasaklaw sa mga bahagi ng Yangon, Mandalay at iba pang mga lugar ay nagbawal sa mga tao na magprotest­a o magtipon sa mga pangkat na higit sa lima, at magpataw ng 8 pm hanggang 4am na curfew.

Ang bagong pinuno ng junta na si General Min Aung Hlaing, nakasuot ng berdeng uniporme ng militar, sa lumabas sa kauna-unahan niyang talumpati sa telebisyon mula nang agawin ang kapangyari­han, iginiit na ang kudeta ay binigyang katwiran ng “voter fraud”.

Inulit niya ang dating pamimilit ng militar na ang pag-agaw ng kapangyari­han ay umaayon sa konstitusy­on, ngunit idineklara na sa oras na ito ang mga bagay ay “different” mula sa dating 49-taong paghahari ng hukbo, na nagtapos noong 2011.

“After the tasks of the emergency period are completed, free and fair multi-party general elections will be held according to the constituti­on,” aniya.

“The winning party will be transferre­d state duty according to democratic standards.”

Ang junta ay sa ngayon ay umiwas sa paggamit ng nakamamata­y na puwersa laban sa mga demonstras­yong nangyayari sa karamihan ng Myanmar, ngunit sa pag-igting ng mga protesta, nagbaril ang riot police ng water cannon sa pagtatangk­ang paalisin ang libu-libo na natipon sa Naypyidaw noong Lunes.

Ikinulong ng militar noong nakaraang linggo ang pinuno ng sibilyan na si Aung San Suu Kyi at dose-dosenang iba pang mga kasapi ng kanyang National League for Democracy party, na nagtapos sa isang dekada ng bahagyang pamamahala ng sibilyan at nag-uudyok ng pagkondena sa internasyo­nal.

Sa harap ng lalong tumatapang na paglaban, nagbabala ang tagapagbal­ita ng estado na MRTV kinahapuna­n na labag sa batas ang pagtutol sa junta at nagpahiwat­ig ng posibleng crackdown.

“Action must be taken according to the law with effective steps against offences which disturb, prevent and destroy the state’s stability, public safety and the rule of law,” saad sa isang pahayag na binasa ng announcer sa istasyon.

Sinabi ni Kyaw Zin Tun, isang engineer, nitong Lunes habang nagpoprote­sta sa Yangon na naalala niya ang takot na kanyang naramdaman habang lumalaki sa ilalim ng pamamahala ng junta noong 1990s.

“In the last five years under the democratic government, our fears were removed. But now fear is back again with us, therefore, we have to throw out this military junta for the future of all of us,” sinabi ng 29-anyos sa AFP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines