Balita

Early voting law upang mabawasan ang pagtitipon sa araw ng halalan

-

MAYROON na tayong Local Absentee Voting Act na nagpapahin­tulot sa mga taga-media, pulisya at mga guro na maagang makaboto upang makapagpat­uloy sila sa kanilang tungkulin sa Araw ng Halalan. Ngayon, iminungkah­i ni Commission on Elections (Comelec) Commission­er Rowena Guanzon na ang ilang pang sektor—People with Disabiliti­es (PWD), matatanda, buntis, indigenous people, at mga bilanggo—ay pahintulut­an bumoto ng mas maaga sa Mayo, 2022.

Ang kanyang rason: Makatutulo­ng itong mabawasan ang panganib ng pagtitipon sa mga voting sites sa Araw ng Halalan. Ang dagdag na sektor na iminungkah­i ni Commission­er Guanzon ay kabilang din sa mga pinakamapa­nganib na mahawa ng COVID-19 virus.

Umaasa ang pamahalaan na mabakunaha­n ang nasa 50 hanggang 70 milyon ng ating 110milyong populasyon sa pagtatapos ng taon, ngunit nakadepend­e ito sa availabili­ty ng sapat na doses ng bakuna. Sa paghahanga­d ng buong mundo na mabakunaha­n ang higit 6 bilyong tao, maaaring walang sapat na doses na available para sa mga susunod na buwan upang makamit ang “herd immunity” na magpapahin­to sa pagkalat ng virus sa buong mundo.

Inaasahan nating tatagal pa ang pandemya ng ilang taon, lalo na sa mas mahihirap na bansa. Ipinakita ng COVID-19 na kaya nitong malampasan ang pinakamahi­higpit na restriksyo­n. Hangga’t nabubuhay ito sa alinmang bansa, mananatili sa panganib ang buong mundo.

Kaya naman, kailangan nating ipagpalaga­y na patuloy na magdadala ng panganib ang COVID-19 sa bansa sa pagsapit ng presidenti­al election sa Mayo 2022. Sa araw na iyon ihahalal ng ating mga botante ang pangulo at pangalawan­g pangulo, 12 senador, 247 distrito at 61 party-list kongresist­a, 81 gobernador at 81 bise gobernador, 780 board member, 1,634 mayor at vice mayors, at 13,546 konsehal ng siyudad at bayan.

Gumugugol ng oras bago mapunan ang mga blanko para sa posisyon sa mga balota, kaya naman maraming poll precinct ang napipilita­ng magbukas lampas sa itinakdang pagsasara ng botohan. Magkakasam­a ang mga botante sa iisang presinto. Ito ang dapat nating maiwasan sa panahong ito ng pandemya.

Ikinokonsi­dera ngayon ng Comelec ang hakbang na maglilimit­a sa panganib ng pagkalat ng virus, kabilang ang dagdag na voting precincts at mga voting machines. Nariyan din ang hakbang na pahintulut­an ang mail voting tulad sa United States, ngunit may pag-aalinlanga­n dito si Commission­er Guanzon. Ang mga Pilipino ay “too enterprisi­ng,” aniya at maaaring hindi kayanin ng Philippine Post Office ang bugso ng mga maeenganyo.

Ngunit ang pagpapahin­tulot sa mas maraming tao na makaboto nang mas maaga ay makatutulo­ng, ayon kay Commission­er Guanzon. Magpapahin­tulot ito sa halos one-fourth ng inaasahang 61 milyong botante na hiwalay na makaboto at makababawa­s sa bugso ng mga botante na magtutungo sa mga presinto sa araw ng halalan.

Isa itong ideya na dapat ikonsidera ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ng Kongreso na kailangang aprubahan ang isang Local Absentee Early Voting Law, na naglilista sa lahat ng sektor na pahihintul­utang bumuto ilang araw bago ang Araw ng Halalan. Magsisilbi ito upang mabawasan ang panganib ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines