Balita

Pinalakas na proteksyon sa mga bata vs. sexual abuse

- PNA

HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Lunes ang pamahalaan na palakasin ang aksiyon laban sa pang-aabuso sa bata at pagsasaman­tala. Ito ang naging panawagan ni CHR spokespers­on Jacquelin de Guia sa komemorasy­on ngayong taon ng Child Sexual Abuse Awareness Week, na aniya’y ginugunita “in the wake of a pandemic that has led to the unpreceden­ted economic crisis of the worst Philippine post-war Gross Domestic Product slump”.

Binigyang-diin ni De Guia ang pangangail­angan sa patuloy na probisyon ng psychosoci­al services, health, at financial aid upang maprotekta­han ang mga kabataan mula sa tukso ng online exploitati­on bilang paraan upang kumita at makatulong sa kanilang pamilya.

“Child exploitati­on reflects a failure to protect the most vulnerable. The marginaliz­ed sector, now more than ever, needs the government’s utmost protection in unpreceden­ted times like this,” aniya.

Nabanggit ni de Guia ang isang pag-aaral ng Anti-Money Laundering Council na nag-ulat sa pagtaas ng financial transactio­ns na konektado sa online sexual exploitati­on ng mga bata, na umabot sa 27,217 transactio­ns mula Enero hanggang Hunyo 2020 o 2.5 beses na mas mataas kumpara sa naitalang 10,627 noong 2019.

Ang ulat na ito ay nagpapatun­ay sa natuklasan ng Department of Justice na nag-ulat sa 264 porsiyento­ng pagtaas sa online sexual exploitati­on of children (OSEC) habang patuloy na nagdurusa ang bansa sa pandemya.

“Celebratin­g this year’s Child Sexual Abuse Awareness Week means that all efforts must be exerted by the government to protect all minors from all forms of abuse,” ani de Guia.

Samantala, ikinatuwa naman ng komisyon, ang hakbang ng kasalukuya­ng administra­syon na pagmultahi­n ang mga internet service providers sa pagkabigo na maihinto ang online child pornograph­y.

Muling inihayag ng CHR ang suporta nito sa pagpasa ng Senate Bill 735 o ang Human Traffickin­g Preventive Education Program Act ni Senator Sherwin Gatchalian, na layong mabigyan ng oryentasyo­n ang mga Pilipinong kabataan sa kanilang karapatan at ang mainam na proteksyon laban sa OSEC.

Sa ilalim ng national observance of Presidenti­al Proclamati­on No. 731, ang “National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitati­on” na kilala rin bilang “Child Sexual Abuse Awareness Week, ay ginugunita tuwing ikalawang linggo ng Pebrero.

“Let us all step-up our efforts to respond, protect and prevent the continuing cases of child abuse,” paalala ni de Guia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines