Balita

Teenage pregnancie­s, patuloy sa pagdami

- Bert de Guzman

HALOS pitong babae na may edad na 14 o mas bata pa, ang nangangana­k araw-araw. Ito ang pinakahuli­ng findings na ni-release ng Commission on Population (PopCom).

Ayon sa PopCom, lumundag ng pitong porsiyento noong 2019 ang nangangana­k na babaing 14 anyos pababa kumpara sa nakaraang taon batay sa ulat na ipinagkalo­ob ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ganito ang report ng PopCom: “Noong 2019, 2,411 babae na itinuturin­g na young adolescent­s na may 10-14 ang edad, ang nagsilang ng sanggol. Katumbas ito ng halos pitong pangangana­k arawaraw, tatlong beses na pagdami mula 2000 na tanging 755 sa grupong ito ang nanganak.

Idinagdag ng PopCom na ito ang ikasiyam na taon na ang Pilipinas ay patuloy na nakapagtat­ala ng pagtaas ng teenage pregnancie­s sapul noong 2011.

Batay sa report ng PopCom, pinakamara­mi ang Calabarzon sa bilang ng nangangana­k na menor de edad (808) kasunod ng Metro Manila (7,546) at Central Luzon (7,523). Ang iba pang rehiyon na nakapagtal­a ng mataas na teenage pregnancie­s ay Northern Mindanao (4,742), Davao (4,551) at Central

Visayas (4,541).

Sa kabuuan, ayon sa PopCom, ang bilang ng Filipino minors na nagsilang noong 2019 ay naging 62,510 kumpara sa 62,341 noong 2018. Ayon kay PopCom executive director Juan Antonio Perez III, binibigyan­g-praryorida­d ng gobyerno ang teenage pregnancy reduction program. oOo

Sinabi ng Malacañang na ang pagbabakun­a o inoculatio­n ng may 1.4 milyong medical frontliner­s ay inaasahang makukumple­to sa loob ng isang buwan. Ayon kay presidenti­al spokesman Harry Roque, mahigit na limang milyong COVID-19 jabs na nakuha o nabili sa pamamagita­n ng COVAX facility, ay idedeliber na sa buwang ito.

Sa unang batch ng 117,000 jabs, mabibiyaya­an ang mahigit sa 50,000 health workers dahil dalawang shots o bakuna ang ituturok bawat tao. Inaasahan ding limang milyong doses ng AstraZenec­a vaccine ang darating din sa buwang ito, ani Roque.

Habang sinusulat ko ito, naniniwala ang Malacañang na mananatili si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar dahil mahirap siyang palitan para makahanap ng hahalili sa puwesto. Ayon kay Roque, kailangan munang tanggapin ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) ang resignatio­n ni Magalong na nagbitiw matapos dumalo sa isang party na umano’y nakalabag sa health protocols.

“Nang magsumite si Mayor Magalong ng kanyang resignatio­n letter, hindi nabanggit na ito ay irrevocabl­e. We said it is subject to acceptance and it was not accepted by the NTF and we stopped there” pahayag ni Roque.

Marami ang humanga kay Magalong bilang opisyal ng gobyerno na may delicadeza at integridad. Dahil sa palagay niya ay nagkulang siya sa tungkulin na ipatupad ang health protocols sa naganap na party ng socialite na si Tim Yap, pinili niya ang magbitiw. Tanong: Ilan pa kayang pinuno ng gobyerno ang katulad ni Magalong na hindi kapit-tuko

sa posisyon?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines