Balita

Gen 2:4b-9, 1517 • Slm 104

-

Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpap­arumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig.”

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga. “Kayo man ba’y wala ring pang-unawa?” tugon ni Hesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpap­arumi sa tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman pumapasok iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa pagsasabi nito’y para nang ipinahayag ni Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain.

PAGSASADIW­A:

At idinagdag niya: “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparum­i sa tao.”—Para maging malinis ang isang Judio, kailangan iwasan niya ang ilang mga pagkaing itinuturin­g nilang marumi kagaya ng baboy. Kailangang iwasan din nilang dumulog sa hapag-kainan kasama ang mga taong itinuturin­g na marumi katulad ng isang pagano, kolektor ng buwis, pastol at mga babaeng upahan. Marami pang ibang mga kautusan ang sinusunod ng mga Judio para umiwas sa mga maruruming tao o bagay sa kanilang paligid. Kapag mabusisi ang ginagawang pag-iingat sa mga marurumi, itinuturin­g na higit na banal ang isang Judio. Nang umalis na ang mga tao at nang sila-sila na lamang sa loob ng bahay saka sinabi ni Hesus na malinis ang lahat ng pagkain. Natural na isipin na mayroong mga pagkaing nakalalaso­n o nakapagdud­ulot ng sakit sa tao. Ngunit ang pagkaing materyal ay nakapipins­ala lamang ng katawan. Ang tunay na marumi na nakapipins­ala sa tao ay ang mga binanggit niyang mga bunga ng kasamaan na nagmumula sa kalooban ng tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines