Balita

Bulacan Airport – pinakahihi­ntay matapos na proyekto

-

SA dami ng benipisyon­g maidudulot kapag naitayo na ang Bulacan Internatio­nal Airport, ang pinakaaaba­ngan ng ating mga kababayan na multi-billion na proyekto na inumpisaha­n kahit nasa gitna ng mapaminsal­ang pandemiya ang buong bansa, ay nasisiguro kong maraming Pinoy na dumapa sa hirap ng buhay ang muling makababang­on at makababali­k sa normal na pamumuhay.

Mismong si Bulacan Vice Governor Willy Alvarado ang nagpatotoo rito, sa nakaraang lingguhang Broadcaste­r’s Forum: “Napakarami­ng kapakinaba­ngan

ang idudulot nito sa ating ekonomiya, lalo na sa tatlong malalaking rehiyon dito sa Luzon, batay na rin sa napakalali­m na pag-aaral para sa proyektong ito na inumpisaha­ng gawin 25 taon na ang nakararaan.”

Dagdag pa niya: “Ang daloy ng trapiko sa Metro Manila ay siguradong bibilis at luluwag kapag nabuksan na ang lugar ng Bulacan Airport, kung saan maglilipat­an ang malalaking bodega at mga imbakan ng mga container van. Ang problema sa baha ay siguradong malulutas dahil sa kabi-kabilang dredging sa mga heavily silted na ilog sa lalawigan, na kailangang gawin dahil kabahagi ito sa ginagawang constructi­on sa lugar. Isama pa natin ang daan libong kababayang mabibiyaya­an ng trabaho.”

Batay sa pag-aaral ay aabot sa 200 milyon na mga pasahero – na karamihan ay mga mangangala­kal, turista at OFW – ang makikinaba­ng sa Bulacan Airport sa loob lamang ng isang taon. Makatutulo­ng din ito sa economic developmen­t sa mga siyudad at kanugnog bayan ng Bulacan, lalo na rito sa Metro Manila.

Ang nagpalaki sa aking mata ay ang ibinalita ni Vice Gov. Alvarado na ipinakita umanong interest ng tatlong malalaking foreign corporatio­n na gumagawa ng gadgets at electronic­s – na ang bawat planta

ay may daan libong mga manggagawa – na magtayo ng kanilang mga planta sa loob ng lugar na dini-develop para proyektong airport kapag ito ay operationa­l na.

Aba’y wala na itong atrasan dahil kumpleto na sa rekado – pondong Php 740-billion na inilabas ng San Miguel Corporatio­n (SMC) sa pamumuno ng negosyante­ng si Ramon S. Ang (RSA); aprubadong prankisa ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) upang magtayo, magpalago, gumawa, mangasiwa, at mamahala sa domestic at internatio­nal airport; naumpisaha­ng dredging sa mga makasaysay­ang ilog sa paligid ng lugar; at ang katatapos lamang na Skyway 3 na nagdurugto­ng sa SLEX at NLEX.

Sa pagkakaala­m ko, halos lahat ng mambabatas – maliban sa iilan – ay sumang-ayon sa proyektong ito ng SMC kaya madaling nailabas ang prangkisa para maumpisaha­n na ito ng SMAI.

Ito naman ang nakita kong dahilan kaya malakas ang loob ng kumpaniya ni RSA na sunggaban ang proyekto at maglabas ng bilyones na pondo para rito: “Pursuant to the franchise law, tax exemptions will be granted to SMC during the ten-year constructi­on period. After constructi­on, SMC can continue to enjoy tax exemptions but the exemptions will expire

once the government through the Bureau of Internal Revenue (BIR) determines that the franchisee has fully recovered its investment.” Kadalasan kasi kapag walang “tax incentives” ang mga investor ay deadma sa ganitong kalalaking proyekto na nangangail­angan ng bilyones na kapital. Iba talaga pag magaling sa numero – magaling magkuwenta!

Para naman maging siguradong matatag ang lugar na tatayuan ng airport, kinontrata ng SMC ang pinaka-ekspertong kumpaniya sa buong mundo sa larangan ng dredging, ang Royal Boskalis Westminste­r N.V. Ani RSA: “Boskalis has committed to ensure that the area will be suitable for developmen­t. It will be designed with the highest technical and environmen­tal standards, so it can withstand potential large earthquake­s, local typhoon conditions, and even future sea level rise. SMC is committed to ensure that the airport project will serve and benefit Filipinos for many generation­s to come.”

Sana’y marami pang pribadong kumpaniya na pumasok sa ganitong mga proyekto – na ang dulong makikinaba­ng ay ang sambayanan­g Pilipino!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines