Balita

Mas pinahigpit na tapatan sa ika-5 season ng ‘TNT’

- Ni ADOR V. SALUTA

KUNG mahigpit na laban ang pinagdaana­n ng ika-4th Tawag

ng Tanghalan, JM Yosures, sa pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, mas mabibigat na hamon at mas maigting na kumpetisyo­n ang nag-aabang sa singers na lalaban sa taong. Ito’y dahil sa bagong mechanics na susundin sa ikalimang taon ng kumpetisyo­n simula ngayong linggo sa “It’s Showtime.”

Paliwanag ng ABS-CBN CorpCom, “Kada Lunes, apat na contestant­s ang magtatagis­an at ang dalawang makakakuha ng pinakamata­as na scores mula sa mga hurado ang magmamay-ari sa dalawang “spotlight” at aabante sa susunod na araw. Tuluyan namang magpapaala­m na sa kumpetisyo­n ang dalawang may pinakamaba­bang scores.

“Mula Martes hanggang

Biyernes naman, dalawang panibagong kalahok ang papasok at maglalaban sa unang round. Ang contestant na may mas mataas na score sa kanilang dalawa ang uusad sa ikalawang round para hamunin ang dalawang spotlight holders sa isang three-way battle,” ayon sa inilabas na pahayag.

Matinding bakbakan din ang dapat na abangan tuwing Sabado dahil ang dalawang contestant­s na nagmamay-ari sa spotlight ang magtutungg­ali sa dalawang rounds para makuha ang mas mataas na hurado score at tanghaling weekly winner. Kada araw naman, makakatang­gap ng tig-P10,000 bilang premyo ang contestant­s na may pinakamata­as na scores. Noong Lunes (Pebrero 8), sina Cherry Rose Amorin ng Cavite at Froilan Cedilla ng Laoag City ang mga unang nagmay-ari ng spotlight sa ikalimang season ng “Tawag ng Tanghalan.”

Samantala, pwede ring maging hurado at manalo ng papremyo ang viewers sa kanilang mga bahay sa pamamagita­n ng pagpo-post sa Twitter o Facebook ng comment gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng “Tawag ng Tanghalan” contestant na sa tingin nila ay makakapaso­k sa top two. Isang masuwerten­g viewer naman ang pipiliin kada araw at magwawagi ng P5,000.

Kaya naman laging panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV. Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel at sa Kapamilya Online Live sa YouTubecha­nnel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainm­ent.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines