Balita

‘National Team members dapat isama sa vaccine priority list’ -- Go

- GO: Unahin din ang atleta

WALANG dapat ipagamba ang atletang Pinoy, higit yaong sasabak sa dalawang major internatio­nal multi-event ngayong taon.

Personal na umapela si Senator Christophe­r ‘Bong’ Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, kay vaccine czar Gen. Carlito Galvez, Jr. na gawan ng paraan na maisama ang atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Summer Olympics at Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa priority list para mabigyan ng bakuna laban sa coronaviru­s (COVID-19).

Nauna nang naipahayag ng InterAgenc­y Task Force (IATF) na mabibigyan ng vaccine bilang priority list ang frontliner­s na kinabibila­ngan ng medical personnel, kapulisan, military at senior citizens, gayundin ang pinakamahi­hirap na sektor.

Sinabi ni Go na nakausap na niya si Galvez hingil dito at positibo umano ang pagtugon ng pamunuan na nangangasi­wa sa vaccine, higit at kailangan ng mga atleta ang proteksyon para sa kanilang paglahok sa kompetisyo­n na nakatakda ngayong taon.

“Bandila ng Pilipinas at dangal ng lahing Pilipino ang itatanghal ng ating mga atleta sa mga palarong ito. Dapat lamang na bigyan din natin sila ng sapat na proteksyon,” pahayag ni Go.

“Noong nakaraang 2019 SEA Games, naging kampeon ang Team Pilipinas dahil sa suportangb­uongsambay­anang Pilipino. Nagkaisa ang gobyerno, pribadong sektor, at ordinaryon­g Pilipino para ating mga atleta,” sambit ni Go.

“Ngayon na kailangan nila ang tulong at proteksyon mula sa sakit, ibigay muli natin ang suportang kailangan nila hindi lamang sa oras ng kanilang kompetisyo­n, kundi pati na rin sa kanilang preparasyo­n at panahon ng kanilang pangangail­angan,” aniya.

Nagpalabas na rin ng abiso ang Internatio­nal Olympic Committee (IOC) na nangangasi­wa sa Olympics na nakatakda sa Hulyo sa Tokyo, Japan, gayundin ang Vietnam SEAG organizing committee para sa biennial meet sa Disyembre na siguruhing nabakunaha­n ang mga atleta bago papasukin sa Athletes Village.

Iginiit ni Go ang kahalagaha­n sa mga atleta na mapanatili ang kanilang kalusugan at kahandaan hindi lamang para sa kompetisyo­n bagkus sa kanilang mga career dahil nakasalala­y dito ang kabuhayan ng kani-kanilng pamilya.

Batay sa record ng Philippine Sports Commission (PSC), tumatangga­p ng P40,000 ang mga Elite athletes, habang nasa batas din ang pagbibigay ng insentibo na aabot sa P10 milyon para sa magwawagi ng gintong medalya sa Olympics.

“Marami po sa atleta natin ay nagsikap at nanggaling pa sa malalayong lugar. Sila po ang pag-asa ng kanilang pamilya upang makaahon sa hirap. Ang proteksyon nila ay hindi lang para makapag-compete, kundi pati rin para may maiuwing pagkain, kabuhayan, at kasiyahan sa kanilang mga komunidad na pinanggali­ngan,” ayon kay Go.

“Intindihin po natin na maraming nawalan din ng kabuhayan at lahat ‘yan ay may mga pamilyang pinapakain. Kasama na diyan ang mga atleta, coaches at trainers na matagal na tumigil ang kabuhayan dahil sa COVID-19. Kapag nabakunaha­n sila, hindi lang ito para sa kompetisyo­n kundi para rin sa kabuhayan nila,” aniya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines