Balita

Marian at Dingdong, tinawanan lang ang kumalat na tsismis

-

SA mediacon ni Marian Rivera para i-announce na patuloy siyang magiging endorser ng WalterMart for the second year at ang maganda pa, kasama na niya si Zia sa TVC. Kuwento ni Marian, idea ng WalterMart na isama si Zia dahil mother and daughter ang concept ng TVC, ipinagpaal­am sa kanila ni Dingdong Dantes at dahil bagay naman at gusto niyang anak niya talaga ang kasama sa TVC, kaya pumayag silang magasawa.

Airing na ang TVC ng WalterMart na kung saan, makikitang sumabay si Zia sa mom niya at sabi pa nga ni Marian, mas magaling pang mag-heart sign ang anak kesa sa kanya. May part kasi sa TVC na nag-heart sign silang mag-ina.

Speaking of Dingdong, natanong si Marian sa kumalat a few weeks ago na nabuntis ni

Dingdong si Lindsay de Vera. “Pinagtawan­an lang namin ni

Dingdong ang tsismis na lumabas kung kailan may pandemya at kung saan, lagi kaming magkasama ni Dingdong sa bahay. Si Dingdong pa nga ang nagtanong sa akin kung alam ko ang tsismis at pinagtawan­an na lang namin, deadma kaming mag-asawa,” pahayag ni Marian.

Paano nga ba nila napapanati­li ni Dingdong na maging matibay ang relasyon nila ni Dingdong na pilit pa ring sinisira?

“Kulang na lang tumira sila sa bahay para makita na nila lahat ng ginagawa ng mga artista. Hindi maiiwasan yang mga isyu. Pagdasal mo na lang talaga na sana tumigil na ang ganyang mga intriga, lalo na kapag mag-asawa. Kung BF/GF puwedeng mapalagpas, iba sa magasawa. Sana mabigyan ng puwang ng mga tao na kapag ang relasyon ay mag-asawa na, e bigyan na nila ng katahimika­n at huwag na nilang intrigahin,” sagot ni Marian.

 ??  ??
 ??  ?? Marian at Dingdong
Marian at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines