Balita

Bagong pagsisikap upang malinis ang polusyon sa hangin sa buong mundo

-

BUHAT ng maganap ang makasaysay­ang Paris Climate Agreement noong Disyembre 2015, maraming bansa sa mundo ang gumawa ng mga konkretong hakbang upang maisakatup­aran ang hangarin nitong mabawasan ang carbon emissions—karamihan ay nagmumula sa mga industriya at mga sasakyan—sa buong mundo gayundin ang paglimita sa pagtaas ng temperatur­a ng mundo na ngayo’y tumutunaw sa mga polar glaciers, nagpapataa­s ng lebel ng karagatan, at lumilikha ng mas mapaminsal­ang mga bagyo at hurrincane­s.

Ngayong linggo, inanunsiyo ng United States ang mga konkretong hakbang na ginagawa nito para makatulong na makamit ang hangarin nitong net-zero emissions pagsapit ng 2050. Tayo rito sa Pilipinas ay dapat makita kung paano rin tayo makapag-aambag at tingnan kung alin sa mga hakbang na ito ang maaari natin i-adopt.

Inanunsiyo ng US, sa ilalim ng bagong President Joseph Biden, na sisimulan nito ang: --- Offer new tax incentives to encourage the purchase of electric vehicles, on top of the present $7,500 tax credit.

--- Electrify the fleet of 650,000 government cars, as well as the nation’s 500,000 school buses.

--- Build an additional 500,000 public charging stations for electric vehicles by 2030.

--- Invest $5 billion in battery research to further reduce electric vehicle prices.

--- Ensure every American city has high-quality zero-emissions public transport options. Inanunsiyo na ng estado ng California at Massachuse­tts ang pag-ban sa pagbebenta ng fossil fuel (gasoline and diesel) cars pagsapit ng 2040.

Nangako naman ang General Motors ng $27 billion sa pag-develop ng 30 new electric car models pagsapit ng 2025 habang dinoble ng Ford Motor Co. ang investment nito sa vehicle electrific­ation sa $22 billion.

Isa pang bansa, ang Australia, ang nangunguna ngayon sa mundo sa pagmamanup­aktura ng electric buses at trucks at pagbuo ng mga fast-charging equipment.

Noong Marso 2020, nanawagan ang European Union sa lahat ng European nations na magpatupad ng batas na tutugon sa target na net-zero greenhouse emissions pagsapit ng 2050. Nitong nakaraang Oktubre, inanunsiyo ni President Xi Jinping sa United Nations na magiging carbon-neutral ang China pagsapit ng 2060, makalipas ang isang linggo sinundan ito ng katulad na pangako ni Prime Minister Yoshihide Suga para sa Japan pagsapit ng 2050.

Ito ang mga nangunguna­ng industrial nations sa mundo at top sources ng industrial emissions at nararapat lamang na manguna sila sa paglilinis ng atmospera.

Sa ngayon, nakatuon tayo sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic, ngunit gayundin naman ang ibang mga bansa sa mundo. Sa gitna ng lahat ng kanilang pagsisikap para makabangon, ipinagpapa­tuloy nila ang kanilang mga panmatagal­ang plano at ginagawa ang kanilang bahagi upang malinis ang polusyon sa atmospera ng mundo. Dapat din nating gawin ang ating bahagi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines