Balita

Kinumpirma ng QC mayor 351 CLOSE CONTACT NG NA-UK VARIANT TUKOY NA

- Ni JOSEPH PEDRAJAS

Natukoy na ng Quezon City government ang 351 nakasalamu­ha ng isang lalaking dating overseas Filipino worker na nahawaan ng United Kingdom (UK) variant.

Ito ang pahayag ni City Mayor Joy Belmonte at sinabing kabilang sa mga ito ang isang Grab driver na sinakyan ng naturang pasyente mula Maynila patungo sa isang apartment sa lungsod kung saan ito nakaquaran­tine.

Paliwanag ng alkalde, walo sa mga ito na may sintomas ng coronaviru­s disease 2019 (COVID19) ay sumasailal­im na sa home quarantine.

Aniya, nasa 105 kabuuang indibidwal ang isinailali­m na sa Swab test.

“However, the results will still come out today. So it’s only today that we will know whether these suspects are positive,” aniya.

“If so and then there’s an evidence of clustering [of cases], then I will recommend a lockdown in the area,” pagdidiin ni Belmonte na ang tinutukoy ay ang “depressed community” ng Riverside sa Bgy. Commonweal­th kung saan nakaquaran­tine ang naturang pasyente.

Sinabi pa nito na na-contact na nila ang Grab driver na sumundo sa pasyente mula sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila at naghatid din sa kanya sa isang apartment sa lungsod.

“Hopefully, matapos na natin ang swabbing today...Since we have swabbed members of the community, it is a protocol na hindi muna sila dapat lumabas ng bahay,” ayon naman kay City Epidemiolo­gy and Surveillan­ce Unit chief Dr. Rolly Cruz.

Matatandaa­ng nitong Miyerkules (Pebrero 10) lamang nadiskubre na nasa Quezon City na pala ang 35anyos na tubong Liloan, Cebu na nahawaan ng UK variant.

Ang pasyente ay dumating sa bansa noong Agosto ng nakalipas na taon mula sa Korea kung saan ito nagtatraba­ho.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines