Balita

Paid virtual tours alok ng museums

-

Guided tour ng bahay ni Elvis Presley’s mula sa inyong sofa o mamangha sa old masters’ paintings sa The Met nang hindi bumibisita sa New York: ang mga museo, pinilit na umangkop sa pandemya, ay nagaalok ngayon ng mga may bayad na virtual tour - ngunit gaano kalaki ang kikitain nila mula rito?

Ilan lamang ang interactiv­e walks, video games at podcasts sa maraming libreng innovation­s ng mga museo na inilunsad upang subukang mabawasan ang mga epekto ng pagsasara at pagbagsak sa mga bisita na dulot ng coronaviru­s. Ngunit dumarami ang mga institusyo­n na nagtutulak din ng paid options.

Ang bahay ni Presley sa Graceland sa Memphis, Tennessee, ay nag-aalok ng dalawang oras na mahabang paglalakba­y sa pamamagita­n ng guide na si Angie Marchese sa halagang $100 bawat ulo simula nitong Enero.

Noong Disyembre, dinala ni Barbara Brown-Abolafia ang kanyang mga mag-aaral mula sa Bergen Community College sa New Jersey sa isang virtual tour sa Metropolit­an Museum of Art upang makita ang eksibisyon na “A New Look at Old Masters.”

Hindi tulad sa Graceland, ang isang expert guide ay hindi gumala sa silid, na sinasabi ng Met na pinipigila­n ito ng mga hakbang sa kalusugan kaugnay ng Covid19.

“It was a slide-show format, so it felt more like a class,” pagbabalk-tanaw ni Brown-Abolafia.

Sinimulan ng Met ang mga tour noong Hunyo. Sa pagitan ng Hulyo at Disyembre ang bantog na museo ay nagsagawa ng 116 virtua tours, para sa higit sa 2,800 adult na bisita sa kabuuan.

Nagkakahal­aga ang mga ito ng $300 bawat pangkat para sa 40 matanda, o $200 para sa isang pangkat ng mga mag-aaral.

 ?? AFP ?? SWAN SONG Inalayan ng mga rosas ang isang swan na namatay sa yelo ng Landwehr Canal sa Berlin, habang ang kabisera ng Germany ay nagdurusa sa nagyeyelon­g temperatur­a.
AFP SWAN SONG Inalayan ng mga rosas ang isang swan na namatay sa yelo ng Landwehr Canal sa Berlin, habang ang kabisera ng Germany ay nagdurusa sa nagyeyelon­g temperatur­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines