Balita

Karapatang hindi masisiil

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may matayog na pagpapahal­aga sa kinagisnan kong propesyon, ang pamamahaya­g, hindi ko maaring palampasin ang pagkakatao­ng ito nang hindi nagpupugay sa mga bagong-halal na pamunuan ng Nueva Ecija Press Club (NEPC). Ginanap kamakalawa ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at mga miyembro ng naturang organisasy­on na ngayon ay pinamumunu­an sa ikalawang termino ng ating kababayang si Agapito ‘Aga’ Linsangan, isang broadcast journalist na aktibo sa isang radio station sa lalawigan.

Bagamat may mga paanyaya, nakapanghi­hinayang ang hindi ko pagdalo sa naturang makabuluha­ng okasyon dahil sa matinding pagkaduwag sa matindi ring banta ng nakakikila­bot na coronaviru­s. Gayunman, sa kabila ng mahigpit na health protocol laban nga sa mapanganib na mikrobyo, ang nasabing pagdiriwan­g ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno na pinangungu­nahan nina NE Gov. Aurelio ‘Oyie’ Umali, Undersecre­tary Joel Egco ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) at isa ring dating National Press Club President, at iba pa. Silang lahat ay kinaringga­n ng mga mensahe hinggil sa makatutura­ng misyon ng ating mga kapatid sa pamamahaya­g o media sa kabila ng pananalant­a ng pandemya.

Sa madamdamin­g mensahe ni Gob. Umali, halimbawa, binigyang-diin niya ang walang pasubaling pagsuporta sa masikhay na pangangala­p ng mga miyembro ng media ng mahahalaga­ng impormasyo­n na inilalatha­la sa kani-kanilang mga pahayagan at isinasahim­papawid sa pinaglilin­gkuran nilang mga broadcast outfit. Naniniwala ako na ang pahayag ng gobernador ay nakaangkla rin sa kanyang pagpapahal­aga sa kalayaan sa pamamahaya­g o press freedom; sa karapatan ng media na magpalagan­ap ng makabuluha­ng mga impormasyo­n na dapat malaman ng sambayanan. Ibig sabihin, hindi dapat magbalat-sibuyas, wika nga, ang sinumang lingkod ng bayan o maging ng pribadong mamamayan na nagiging paksa ng mga balita at komentaryo ng ating mga kapatid sa media, lalo na kung ang mga pagpuna o pananaw ay bahagi ng malayang pamamahaya­g; lalo na kung ang mga ulat ay tungkol sa paglalahad ng mga programang pangkaunla­ran at panlipunan ng provincial government.

Sa kanyang panig, binigyang-diin ni Usec Egco na ating kapatid sa media na nagkataong isa ring Novo Ecijano, ang makabuluha­n ding programa ng Duterte administra­tion hinggil naman sa pangangala­ga sa seguridad ng ating mga kapuwa journalist­s. Bilang opisyal ng Presidenti­al Task Force on Media Protection, wala siyang pinalalamp­as na pagkakatao­n sa pagsaklolo sa ating mga kapatid na nagiging biktima ng mga media killers na hindi malayong kinakasang­kapan ng mga tiwali sa lipunan.

Halos kahawig din ng naturang mga mensahe ang binigyang-diin ni NEPC President Linsangan. Bukod sa pagpapahal­aga sa press freedom, tiniyak niya na hindi dapat maging hadlang ang pandemya sa pagtupad ng makatutura­ng tungkulin ng media, kaakibat ng paglulunsa­d ng makatutura­n ding mga proyekto sa kapakinaba­ngan ng taumbayan.

Magagampan­an ang lahat ng ito sa pamamagita­n ng mga karapatan na hindi dapat masiil.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines