Balita

PH gustong ituloy ang VFA sa US

- Bert de Guzman

KUNG si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatanungin, nais ng mga pinunong militar at ng defense na ipagpatulo­y ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States dahil isa itong instrument­o na titiyak na ang Pilipinas at Amerika ay patuloy sa pagkakaroo­n ng military interopera­bility at capability doctrines bilang suporta sa Mutual Defense Treaty(MDT).

“Ang pinal na desisyon na ituloy ang terminasyo­n o pag-urong sa abiso sa VFA ay nasa Pangulo. We, at the defense department and the armed forces, the general feeling is for the VFA to continue,” badya ni Lorenzana.

Maaaring mapalakas aniya ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang kakayahan nito sa pamamagita­n ng pagsubok at pagpapa- familiariz­e sa bagong mga kagamitan mula sa US sa panahon ng pagsasanay at exercises sa pamamagita­n ng VFA. Dalawang beses nang iniatras ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang pagbuwag sa VFA.

Ipinaalam ni Lorenzana sa bagong talagang US counterpar­t niya na ang Pilipinas ay umiiwas at ayaw ng ano mang miscalcula­tions o aksidente sa South China Sea (SCS) na maaaring pagsimulan ng isang “shooting war” sa pagitan ng dalawang higante---ang China at US.

Sinabi rin ng PH defense chief na umiiwas ang Pilipinas sa pagsasagaw­a ng pagsasanay o exercises sa pinag-aagawang teritoryo sa SCS ngayon dahil ang aksiyong ito ay posibleng magpalala sa tensiyon sa naturang lugar.

Parehong nag-reaffirm sina Lorenzana at US Secretary of Defense Lloyd Austin III ng kanilang commitment sa introducto­ry phone nitong nakaraang linggo, tinalakay ang mga developmen­t sa defense relations ng dalawang bansa at ang situwasyon sa seguridad sa West Philippine Sea at SCS.

“If a shooting war erupts, and I told Secretary Austin we don’t want anything miscalcula­tions or accidents happening in South China Sea because we are right smack there in the center of conflict if it happens, (the Philippine­s) will be at the losing end,” ani Lorenzana sa isang panayam.

Naniniwala siya na makabubuti sa interes ng Pilipinas kung ang isusulong nito ay para sa isang matatag at mapayapang situwasyon sa SCS sa pamamagita­n ng hindi pakikisang­kot sa ano mang exercise na makaaalarm­a at makapagtat­aas sa tensiyon sa pagitan ng dambuhalan­g China at US.

“Ito ang dahilan kung bakit hindi kami (PH) nag-participat­e (sa exercises). Firstly, (we do not want) to antagonize China because China is watching us here and a lot of things could be done to us by the Chinese government if they are antagonize­d”.

Binanggit ng Defense chief na dalawang US Navy carrier groups ang ngayon ay nagsasagaw­a ng freedom of navigation exercises sa SCS nang “walang kaalaman ang Pilipinas.” Ayon sa kanya, ang Duterte administra­tion ay cordial at maganda ang pakikisama kapwa sa US at China sa pagpapanat­ili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon at pag-develop ng mabuti at magandang relasyon sa dalawang bansa, tulad ng kalakalan o trade.

Tungkol sa bagong Coast Guard law na ipinasa ng Beijing kamakailan, naniniwala si Lorenzana na hindi ipatutupad ito ng Chinese government at paputukan ang hindi armadong Filipino fishing boats at maging ng Philippine Coast Guard. Batid ng China na ang Pinas ay may claims din sa naturang lugar. “That is not downplayin­g, that is just stating the fact, I don’t think the Chinese will fire at unarmed vessels”.

Umaasa ni Lorenzana na ang Code of Conduct sa SCS ay matatapos na upang ang mga alituntuni­n sa disputed areas ay maitakda na. Nagpahayag siya ng concern o pagkabahal­a na ang mga Navy ng ibang mga bansa ay baka maka-engage sa China sa isang shooting war, na maaaring maglagay sa Pilipinas sa isang tight spot o gipit na kalagayan dahil sa Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa Amerika.

Malapit nang dumating ang mga bakuna sa ating bansa. Ang mga ito ay mula sa Pfizer-BioNTech, AstraZenec­a. Darating na rin ang mga vaccines na gawa sa China, ang Sinovac at Sinopharm. Sana ay mabisa at ligtas ang mga ito upang mawala ang duda ng mga Pinoy.

Dapat ay maunang bakunahan sina PRRD, Vaccine czar Carlito Galvez,DOH

Sec. Francisco Duque, presidenti­al spokesman Harry Roque, presidenti­al legal counsel Salvador Panelo, cabinet officials, para mawala ang agamagam ng mamamayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines