Balita

5 konsehal, kinasuhan ng cyberlibel

- Joseph Pedrajas

Nagsampa ng kasong cyberlibel si Caloocan City Mayor Oca Malapitan laban sa limang konsehal ng lungsod kaugnay ng umano’y paninira sa digital tablet project ng lungsod para sa mga estudyante nito, kamakailan.

Ang kaso ay iniharap ng alkalde sa prosecutor’s office ng lungsod laban kina Konsehal Christophe­r “PJ” Malonzo, Ma. Milagros “Rose” Mercado, Alexander “Alex” Mangasar, Ricardo “Carding” Bagus, at Marylou “Alou” San Buenaventu­ra.

Paliwanag ng alkalde, binanggit umano ng limang konsehal sa ipinost na sunud-sunod na video, na substandar­d ang mga digital tablet na binili ng pamahalaan­g lungsod at naantala pa ang pamamahagi nito.

Nilabag aniya ng limang konsehal ang Section 4 (c) (4) ng Republic Act No. 10175 (Cyber Crime Prevention Act of 2012).

Sa isa sa video na ipinost sa social media, kitang-kita ang limang konsehal na magkakatab­ing nakaupo, katabi ng isang mahabang mesa na may background ng Caloocan City Hall, kung saan isinagawa ang iba’t ibang alegasyon laban sa proyekto.

Anila, lumikha ng mga reklamo mula sa mga magulang ang nasabing tablet devices, sa pamamagita­n ng aspetong teknikal at sinabi pang overprice ang mga ito.

Gayunman, itinanggi ng alkalde ang alegasyon at sinabing ang proyekto ay dumaan sa bidding at tiniyak din na tama at may kalidad ang nasabing mga tablet.

Inirerekla­mo rin ni Malapitan ang naging hakbang ng limang konsehal dahil idinaan pa sa social media ang kanilang hinaing sa kabila ng pagiging opisyal ng lunsgod ng mga ito.

Nitong nakaraang Nobyembre, sinimulan ng pamahalaan­g lungsod ang pamamahagi ng nasabing mga tablet sa mga estudyante ng Grade 9 at 12 matapos ipangako ng alkalde na mamimigay sila ng 66,000 tablet upang umagapay sa mga estuyante sa kanilang blended learning system na ipinatutup­ad sa gitna ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines