Balita

Obispo sa mga botante: Kandidato, piliin

- Mary Ann Santiago

Hinikayat ng isang obispo ang mga botante na maaga pa lamang ay pag-aralan na ang mga politiko at mga isyung kinasasang­kutan ng mga ito upang makapamili ng mahusay na ibobotong kandidato sa May 2022 national and local elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Manila Archdioces­e Administra­tor Bishop Broderick Pabillo kasunod nang unti-unti nang paglulutan­gan ng mga pangalan ng mga politikong posibleng tumakbo sa susunod na eleksiyon.

Dapat aniyang pag-ukulan ng panahon ng mga botante ang pagsusuri sa mga potensiyal na kandidato upang matiyak na ang iboboto nila sa halalan ay magiging mabuting lider ng bansa.

“They (voters) should be discerning,” ani Pabillo “It is good that names are starting to arise, they should start their research on them.”

“Who are these people? What have they accomplish­ed? What can they contribute to the country? As early as now, people should be talking about it,” aniya pa.

Nauna rito, naglabas na rin ang Commission on Elections (Comelec) ng calendar of activities para sa presidenti­al elections na nakatakdan­g idaos sa May 9, 2022.

Itinakda na ng poll body ang paghahain ng kandidatur­a ng mga kakandidat­o mula Oktubre 1 hanggang 8, kabilang ang araw ng Sabado at Linggo.

Ang panahon naman ng pangangamp­anya ng mga kandidato para sa national position, kabilang ang president, vice president, senators at party-lists ay mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022, samantala ang campaign period para sa mga local candidates kabilang ang congressme­n at elective local officials ay itinakda mula Marso 25 hanggang Mayo 7, 2022.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines