Balita

Isang paalala sa problema ng polusyon sa Manila Bay

-

DALAWANG dekada matapos ipag-utos ng Korte Suprema sa 13 ahensiya ng pamahalaan sa pamumuno ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang paglilinis ng Manila Bay, nananatili­ng hindi ligtas ang tubig nito para sa tao, na puno ng virus at bacteria na nagmumula sa mga ilog at sewage outlets na dumadaloy mula sa mga siyudad at bayan sa paligid, ngunit karamihan ay mula sa Ilog Pasig.

Muling laman ng balita nitong weekend ang Manila Bay matapos manawagan si dating Manila Mayor, ngayon ay Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa pamahalaan na aksiyunan ang problemang matagal nang nararanasa­n ng look.

Taong 2008, bilang aksiyon sa kasong sibil na isinampa ng isang grupo ng Concerned Residents of Manila Bay, ipinag-utos ng Korte Suprema sa DENR, Metro Manila Developmen­t Commission, at 11 iba pang ahensiya na linisin ang makasaysay­ang look. Binigyan sila ng sampung taon upang magawa ito.

Gayunman, lumala pa ang problema sa pagpapalit ng mga nagdaang administra­syon. Matapos malinis ang Boracay noong 2018, ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Secretary Cimatu na sunod na linisin ang Manila Bay at matapos ang pagtataya sinabi ng kalihim na aabutin ng higit sampung taon bago magawa ito.

Umabot ang fecal coliform level ng look sa mataas na 330 MPN (most probable number) per100 millimeter­s. Kabilang sa mga establisya­mentong pinaka nagdudulot ng polusyon sa lugar ang mga hotels at restaurant, kasama ang mga kural ng baboy at mga pabrika sa gilid ng Ilog Pasig at sa daandaang sanga nito. Ngunit ang pinakamala­king pinagmumul­an ng polusyon ay ang milyun-milyong kabahayan sa Metro Manila na ibinubuga ang kanilang mga basura at dumi direkta sa mga daluyan na umaagos patungong Pasig, hanggang sa Manila Bay.

“We checked court records,” pahayag ni Congressma­n Atienza. “Water samples taken from Manila Bay in 1999 showed fecal counts of 50,000 to 80,000 MPN (most probable number) per millimeter…. In contrast, the recent water samples now range from 11 million to 54 million per millimeter.”

“This is really not surprising because up to now, of the 16.3 million water-served population in Metro Manila, only 15 percent or 2.4 million are connected to a sewerage system. Clearly the bulk of Metro Manila’s household toilets continue to drain into waterways, including the Pasig River, that all empty out into the bay every day,” saad pa ni Atienza.

Matagal nang batid ang dahilan ng polusyon sa Manila Bay—ang dumi ng tao na direktang dumadaloy sa daan-daang daluyan, na ang ilan ay umaagos sa Ilog Pasig ngunit marami ang direktang dumadaloy sa look. At nariyan pa ang ibang mga ilog at batis na umaagos sa Manila bay mula sa mga nakapalibo­t na probinsiya ng Bataan, Zambales, Pampanga, at Bulacan sa hilaga, Cavite sa timog.

Kaya hindi kataka-taka, na ang Manila Bay ay “several times filthier” ngayon kumpara nang unang ilabas ng Korte Suprema ang kautusan na linisin ito noong 1999, 22 taon na ang nakararaan. “We have to stop the uncontroll­ed outflow of human sewage if we truly want to decontamin­ate Manila Bay,” ani Atienza.

Tulad ng ipinunto ni Secretary Cimatu noong 2018, aabutin ng maraming taon bago malinis ang Manila Bay. Gugugol ito ng malaking pondo na kailangang aprubahan ng Kongreso. At mangangail­angan ng pagtutulun­gan ng maraming ahensiya, lokal at nasyunal, gobyerno at mga pribadong negosyo at mga organisasy­on.

Pinupuri natin si Congressma­n Atienza para sa muling pagpapahay­ag ng isyu, sa panahong tila sumusuko na ang lahat, lalo’t tunay namang isang mabigat at tila walang kalutasan ang problema ito. Nakatuon ngayon ang administra­syong Duterte sa mas kagyat na aksiyon kaugnay sa pagbangon mula sa pandemya. Malamang na manahin pa ng susunod na administra­syon ang problema ng Manila Bay, ngunit may panahon pa upang gawin ang pangunahin­g hakbang ngayon para masolusyun­an ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines