Balita

US dapat magbayad ng $16 bilyon para sa VFA

- Bert de Guzman

KUNG talagang gusto ng United States na ipagpatulo­y ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Pilipinas, kailangang magbayad si Uncle Sam ng $16 bilyon.

Ayon kay Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang gayong halaga ang dapat tanggapin ng PH o ibayad ng America, tulad sa pagbabayad nito ng $16 bilyon sa Pakistan kaugnay ng counter-terrorism assistance mulang 2001 hanggang 2017.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na ang tinanggap lang ng ating bansa ay kabuuang $3.9 bilyon mula sa US sa katulad na panahon (2001-2017). Una rito, sinabi ni Mano Digong na kailangang magbayad ang Estados Unidos kung talagang nais nitong manatili ang VFA, isang kasunduan na nilagdaan noong 1998 na nagpapahin­tulot sa mga tropang Amerikano na magtungo sa Pinas para sa magkasanib na military exercises kasama ang mga tropang Pilipino at para rin sa humanitari­an missions.

Iniutos ni PRRD ang suspensiyo­n ng pagbuwag sa kasunduan nitong 2020, pero binawi ito bunsod ng COVID-19 pandemic at umiiral na tensiyon ng mga superpower.

Nagsalita ang mga pinuno ng Defense at Foreign Affairs kontra sa terminasyo­n ng kasunduan, at nagbabala na mawawalan ang PH ng bilyun-bilyong dolyar na ayuda na makaaapekt­o sa depensa at seguridad ng bansa.

Ganito ang pahayag ng tagapagsal­ita ng Malacañang: “The president is very clear. Nais niya ang kompensasy­on. Kung ayaw ng mga Kano, then there is also the previous declaratio­n of the Filipino president that he will terminate the VFA.”

Samantala, binatikos ni Vice Pres. Leni Robredo ang Pangulo bunsod ng remarks nitong nagde-demand sa US na magbayad kapalit ng VFA. Nagbabala si VP Leni na ang gayong pahayag ay maaaring ipagkamali na “extortion” o panggigipi­t.

“Nakahihiya ito. Para itong extortion. (It’s like we are crooks)--if you want this, pay up. Sinabi naman ni dating Ambassador Albert del Rosario na ang posisyon ng Pangulo ay “incomprehe­nsible” at “unfortunat­e.”

Ayon kay Del Rosario, sa halip na magpabayad sa US, ang dapat singilin ni PRRD ay ang China ng P230 bilyon sa malaki at malawak na pinsala nito sa marines resources sa West Philippine Sea. Pero para kay Roque, dapat magbayad ang US sapagkat sakaling sumiklab ang giyera ng China at US, ang higit na tatamaan sa labanan ay ang Pilipinas.

Siyanga pala, hindi muna papayagang magbukas ang mga sinehan tulad ng unang desisyon ng IATF matapos ihayag ng Metro Manila mayors ang pangamba na baka lalong lumalala ang hawahan ng COVID19. Ang pagbubukas ay gagawin na lang sa Marso. Hindi raw sila nakonsulta sa bagay na ito.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines